Home Headlines Bike lane, sidewalk sa Mt. Samat

Bike lane, sidewalk sa Mt. Samat

716
0
SHARE

Mt. Samat. Contributed photo



LUNGSOD
NG BALANGA — Hindi magtatagal at palalaparin na ang kalsada mula sa paanan ng Mt. Samat sa Pilar, Bataan pataas sa Dambana ng Kagitingan upang malagyan ng bike lane at sidewalk.

Ito ang inanunsiyo ni Gov. Albert Garcia kamakailan at sinabing ito’y may pagsang-ayon ng Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone at popondohan ng Department of Public Works and Highways.

Ito ay naglalayong mas mapaunlad pa ang ating Mt. Samat Shrine na tinaguriang Dambana ng Kagitingan at sagisag ng pagiging bayani at banal ng kasaysayan. Sa kasalukuyang panahon ng pandemya, mas mainam na simulan ang proyektong ito habang sarado pa ang mga shrines sa bansa,” sabi ng governor.

Nagsagawa na umano ng inspeksyon ang DPWH Region 3, provincial engineer’s office at Mt. Samat FTEZ at inaasahang pasisimulan agad ang proyekto.

Sinabi ni Garcia na nagpulong na rin sila nina provincial Engr. Enrico Yuson, provincial planning and development officer Engr. Butch Baluyot at kinatawan ng culture and heritage preservation team.

Tinatayang may pitong kilometro ang layo ng War Memorial Shrine mula sa paanan ng bundok sa Barangay Diwa sa Pilar.

Dinarayo ang shrine kung saan may nakatayong 92metrong taas na war memorial cross at ilang gamit na armas noong World War II. Itinayo ito bilang alaala sa kabayanihan ng mga sundalong Amerikano at Filipino laban sa pananakop ng bansang Hapon.

Naganap ang matinding labanan dito at sinasabing nadilig ng dugo ang bundok bago “bumagsak” ang Bataan noong Abril 9, 1942.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here