Bigyan na ng ‘ultimatum’

    498
    0
    SHARE

    ITONG pagkabalam ng ‘on going project’
    ng contractor nitong DPWH
    para sa city government ng Angeles,
    ya’y sakit ng ulo ngayon ni Mayor Ed

    Dala na rin nitong ya’y inaasahang
    matatapos bago ang usapang ‘deadline;’
    pero hayan, ang rutang Pandan – Magalang
    isa sa kalsadang nakabimbin pa riyan

    Kung may sakop man yan na sementado na
    ay ang gawing kanan lamang n’yan papunta
    ng bayang Magalang, na halos wala pa
    yatang isang kilometro ang distansya.

    At itong iba pang mga kabilang din
    sa ‘city on going project road widening,’
    Yan ay malamang na di kayang tapusin
    ng contractor nito kung di apurahin

    At dagdagan pati oras ng trabaho
    ng lahat na upang maihabol ito
    sa ‘deadline,’ kung saan, bago mag-Enero
    ay tapos dapat ang lahat ng proyekto.

    At kung saan dapat din namang makialam
    ang DPWH sa pagkabalam,
    Sapagkat sila ang bale kumuha niyan,
    at hindi mismo si Mayor Ed Pamintuan.

    At ang tanging magagawa lang marahil
    ay mapanagot sa pagiging inutil
    sa pag-ako n’yan ng maselang tungkulin
    Na di pala nito makayang tuparin.

    Kung saan posibleng sampahan ni Mayor
    ng ‘breach of contract’ ang palpak na Contractor,
    kapag di natapos sa takdang panahon
    ang proyektong tinanguan sa city hall

    At bilang parusa sa contractor na yan
    ay makabubuting siya’y tuluyang i-‘ban’
    ni Mayor sa pagkuha ng anumang
    kontrata sa lungsod nang di pamarisan.

    Malaking perwisyo di lamang sa lungsod
    ng Angeles itong pagkabalam lubos
    nitong halos lahat na r’yan ng ‘public works,’
    kundi pati na rin sa ‘business sectors’

    Na apektado ng mga pangyayari,
    partikular na sa butihing Alkalde;
    Pagkat itong iba ay isinisisi
    sa city hall mismo ang ‘inconvenience’ pati

    Dulot nitong ‘heavy traffic’ kadalasan
    sa mga ‘thoroughfare’ nitong kalunsuran,
    pagkat itong iba ay di nila alam
    kung ano ang tunay na kadahilanan.

    Kaya nga’t sa puntong ito ay pinulong
    ng kagalang-galang at butihing Mayor
    ng siyudad ang usad pagong na ‘contractor’
    upang ang problema’y mabigyang solusyon

    At sila’y binigyan ng palugit para
    ituloy n’yan itong mga nakatengga
    nilang ‘road widening’ na nasimulan na,
    gaya r’yan ng Pandan-Magalang ang ruta

    At itong iba pang kailangang tapusin
    bago itong ‘APEC Summit’ na gagawin
    sa Angeles nitong Enerong darating
    ay sumapit para ikapuri natin

    Ang kaayusan at ganda ng paligid
    sa mata ng madlang dadalo sa ‘Summit,’
    bunga ng sipag at ganap malasakit
    ng city mayor na tapat at malinis!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here