Biglang naging santa si Snooky dahil sa isyu ng drugs at pang-aabuso sa katulong ni Maricel Soriano

    1314
    0
    SHARE

    Kung ikukumpara noon si Snooky Serna kay Maricel, ang layo talaga ng agwat. While Snooky’s life and career suffered some great blows, si Maricel hanggang sa huli, bongga pa rin ang life pati na career.

    Kumbaga, Snooky was left out gayung kailan man, di nawala sa limelight si Maricel Soriano.

    Pero ngayong nasa isang malaking isyu si Maricel nang dahil sa drugs at pamgbubugbog ng dalawang katulong, nagmistulang santa si Snooky. Na kahit pala naghihikahos at malamlam ang career, higit siyang may peace of mind dahil walang bagaheng gaya ng ngayon ay nakaatang kay Marya.

    Pero teka, true ba yung mga akusasyon kay Maricel Soriano? That she is really abusing drugs base sa maraming usapin at tsismaks na noon pa man ay wala nang humpay?

    Na uambot nga sa puntong nasa basement na siya at nagpa-rehab?  Nang pumutok ang ganoong kuwento, walang explanation mula sa kanya or a kanyang kampo. At the most, mga kaibigan lang niya’ng nagsasabing imposibleng mangyari yun sa buhay ni Marya. with such a success like her, aabot pa pa sa puntong aabuso siya sa drugs?

    But things are taking shape now. Yung dating ayaw maniwala ay may doubts na ngayon. “It could be true na nagda-drugs nga siya,” sabi pa ng iba.

    Pero yung bintang ng katulong tila exaggerated lang. Yung babarilin daw sila ni Marya, sobra na yun.  Okey, may pang-aabuso pero yung babarilin… teka muna, mahirap patunayan yun. Puwedeng harassment yun sa aktres .. alam nyo na, para makakubra ng mas malaki.

    But the bottomline is, may pinag-ugatan ang lahat.  Hindi mapapasubaliang may malaking probema sa buhay si Maricel, otherwise wala ng mga ganitong stories.

    So sa gitna pala ng mga paniniwalang isang success si Marya, naroon ang insecurity, ang failure.

    Hindi kaya kasunod niyan ay marami pang revelation tungkol sa tunay niyang pagkatao?

    Hindi kaya maraming bulok pang bagaysa buhay ni Maricel Soriano ang susunod na mabubulgar?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here