LUNGSOD NG CABANATUAN – Naging labis na makahulugan ang selebrasyon ng Father’s Day para sa mga pulis ng Nueva Ecija Police Provincial Office nitong Linggo.
Pinangunahan kasi ni NEPPO director Col. Ferdinand Germino ang pamamahagi ng isandaang sako ng bigas sa mga pulis na naka-duty sa iba’t ibang yunit bilang pagala-ala sa Araw ng mga Ama.
Ang inisyatiba ay bahagi ng commitment ng NEPPO sa Pillar Number 2: Unity and Morale within Ranks na naglalayong itaas ang spirit and well-being ng mga tauhan na walang humpay sa paglilingkod sa panahon ng espesyal na okasyon, katulad ng Father’s Day.
Sabi ni Germino, isang simpleng bagay na ito ay hindi lamang nangangahulugan ng pagbibigay ng bigas kundi magsusulong ng kultura ng suporta, pagpapahalaga at pagkakaisa na napakahalaga sa paglikha ng mas malakas na pwersa ng pulisya.
“This simple gesture is more than just sharing a staple. It is about fostering a culture of support, appreciation, and unity — essential to building a stronger police force,” ani Germino. Contributed photo