Home Headlines Bigas para sa bakunadong Bataeño  

Bigas para sa bakunadong Bataeño  

1094
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Magkakaloob ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan ng limang kilong bigas bilang maagang pamasko sa bawat isang magpapabakuna sa loob ng tatlong araw na pagdaraos ng national vaccination drive mula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

Pinamagatan itong “Handog sa Bakunadong Bataeño” kung saan tatanggapin ang bigas pagkatapos mabakunahan saan mang vaccination sites sa 11 bayan at isang lungsod sa Bataan at maging sa mobile vax on wheels.

Tatanggap ng bigas ang lahat ng mababakunahan ng unang dose, pangalawang dose, at booster shot sa loob ng tatlong araw.

“Ito’y bilang pakikiisa sa Bayanihan, Bakunahan ng Department of Health upang masiguro ang pangmatagalang proteksiyon ng ating mga kababayan laban sa pandemya at maipagpatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease sa Bataan,” sabi ni Gov. Albert Garcia.

“Hinihikayat natin ang lahat na tangkilikin ang libreng bakuna kontra Covid-19 upang agad nating maabot ang mataas na porsyento ng bakunadong populasyon na siyang magiging hudyat nang pagbubukas ng mga negosyo at panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya,” dagdag ng gubernador.

Bilang paghahanda, pinulong ni Garcia ang lahat ng mayor, punong barangay at municipal health officers sa isang town hall meeting sa pamamag-itan ng zoom noong Biyernes.

“Naglalayon  ang  programang ito na maging matagumpay ang malawakang pagbabakuna lalo na sa hanay ng mga kababayan nating nag-aalinlangan pa ring tumanggap ng bakuna laban sa Covid–19  magpa-hanggang sa ngayon,” sabi ni Garcia.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here