Home Headlines Bigas na P29 kada kilo sinimulan nang ibenta ng NIA sa Bulacan

Bigas na P29 kada kilo sinimulan nang ibenta ng NIA sa Bulacan

545
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS PIA) — Nagsimula na ang National Irrigation Administration (NIA) na magbenta ng P29 kada kilong halaga ng bigas sa lalawigan ng Bulacan.

Sinimulan ang pagbebenta sa katatapos na KADIWA ng Pangulo na bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival 2024.

Ayon kay NIA Regional Director Josephine Salazar, prayoridad na bentahan ng murang magagandang kalidad na mga bigas na ito ang mga senior citizens, person with disabilities, solo parents at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Kailangan lamang magdala ng kaukulang identification card o ID na magkukumpirma na kabilang sila nabanggit na mga sektor. Maaaring makabili ng hanggang 10 kilo ng bigas ang bawat mamimili.

Ang suplay ng bigas ay mula sa bahagi ng ani ng mga farmers and irrigators association sa ilalim ng Contract Farming Program ng NIA.

Nagsimula na ang National Irrigation Administration na magbenta ng P29 kada kilong halaga ng bigas sa lalawigan ng Bulacan. Sinimulan ang pagbebenta sa katatapos na KADIWA ng Pangulo na bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival 2024. (NIA Region III)

Pagtugon ito sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may mabibiling abot kaya na matataas na kalidad na bigas ang karaniwang mga mamamayan.

May inisyal na 225 na kaban ng bigas ang naibenta sa idinaos na KADIWA ng Pangulo sa Bulacan.

Tiniyak ni Salazar na magpapatuloy ang programang ito ng NIA sa rehiyon na tinaguriang Rice Granary ng Pilipinas.

Patunay dito ang 300 sako ng bigas na inisyal na naibenta sa lalawigan ng Aurora na ani ng Malabog Carriedo Irrigators Association sa ilalim ng Rice Contract Farming.

Tig-400 na kaban naman ang naibenta sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac habang 200 na kaban ang naibenta sa lalawigan ng Zambales. (CLJD/SFV, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here