Kung ang abang lingkod itong tatanungin
Hinggil sa umano’y plano nitong dating
Naging gobernador sa probinsya natin
Ay makabubuting huag na lang marahil;
Na ituloy pa niya ang pagtakbo bilang
Punong lalawigan, sa kadahilanang
Baka di na siya muling ihahalal
Pagkat lipas na ang kanyang kasikatan.
At ang taglay nitong karisma na naging
Tuntungan niya noo’y kinalawang na rin;
Kumbaga sa kislap ng isang bituin
Ay tinakasan ng ganda at ningning.
Kung tunay mang siya’y inidolo noon
Ay napakadaling makalimutan ‘yon
Ng lahat, lalo na pagdating sa puntong
May nagawa ba siya bilang gobernador?
Liban sa anila ay pagpa-parachute
Ng bida ng Masa habang hinahakot
Ng rescue team ang biktima ng pagputok
Ng Mt. Pinatubo sa bayang Baculud?
Di ko sinasabing di naging mabuti
Sa panunungkulan ang taong nasabi,
Pero may nagawa po bang pagsisilbi
Na ikinagalak ng nakararami?
At siya’y masasabi nating sa serbisyo
Ay naging huwaran sa anumang punto?
Partikular na r’yan sa ‘attendance’ mismo
Na ‘once a week’ lang yata sa Kapitolyo?
Na kagaya rin ng sumunod sa kanya
Na kung di pumasok ng Lunes, ya’y di na
Mahagilap kahit araw-arawin pa
Ng mga kabalen ang pagpunta nila?
Pagkat tayo mismo ni minsa’y di natin
Nakausap si Mark upang interbyuin;
Partikular na nang siya ay tangkain
Nating lapitan siya para kausapin;
Hinggil sa noon ay World’s Congress of Poets
Na idinaos sa China – at invited
Ang inyong ‘yours truly’ para i-represent
Ang Inang Bayan sa isang famous event;
Na dinaluhan ng mahigit isang daang
Bansang kasapi sa Congress na naturan;
Kung saan ang inyong hamak na kabayan
Ay kabilang sa tumanggap ng parangal.
Sa puntong naturan, di ko sinasabing
Huag na nating muli silang tangkilikin;
Bunsod ng kung anong nasabi po natin
Pagkat ya’y personal ng maituturing.
Pero kung talagang may pinagbago na
Ang dati po nilang estilo kumbaga,
Aba’y di subuking muli ng mag-ama
Kung ang dati nila karisma’y ubra pa!
Pero sana naman kung sila’y palaring
Muling makatungtong sa dating tungkulin,
Bilang public servant ay kanilang gawin
Ang sa taong baya’y dapat bigyang pansin;
Pagkat kung tunay ang hangaring maglingkod
Ng buong puso sa bayang ini-irog,
Ano’t di po natin magawang masunod
Ang kung anong dapat ng sinsero’t taos?
(May karugtong)
Hinggil sa umano’y plano nitong dating
Naging gobernador sa probinsya natin
Ay makabubuting huag na lang marahil;
Na ituloy pa niya ang pagtakbo bilang
Punong lalawigan, sa kadahilanang
Baka di na siya muling ihahalal
Pagkat lipas na ang kanyang kasikatan.
At ang taglay nitong karisma na naging
Tuntungan niya noo’y kinalawang na rin;
Kumbaga sa kislap ng isang bituin
Ay tinakasan ng ganda at ningning.
Kung tunay mang siya’y inidolo noon
Ay napakadaling makalimutan ‘yon
Ng lahat, lalo na pagdating sa puntong
May nagawa ba siya bilang gobernador?
Liban sa anila ay pagpa-parachute
Ng bida ng Masa habang hinahakot
Ng rescue team ang biktima ng pagputok
Ng Mt. Pinatubo sa bayang Baculud?
Di ko sinasabing di naging mabuti
Sa panunungkulan ang taong nasabi,
Pero may nagawa po bang pagsisilbi
Na ikinagalak ng nakararami?
At siya’y masasabi nating sa serbisyo
Ay naging huwaran sa anumang punto?
Partikular na r’yan sa ‘attendance’ mismo
Na ‘once a week’ lang yata sa Kapitolyo?
Na kagaya rin ng sumunod sa kanya
Na kung di pumasok ng Lunes, ya’y di na
Mahagilap kahit araw-arawin pa
Ng mga kabalen ang pagpunta nila?
Pagkat tayo mismo ni minsa’y di natin
Nakausap si Mark upang interbyuin;
Partikular na nang siya ay tangkain
Nating lapitan siya para kausapin;
Hinggil sa noon ay World’s Congress of Poets
Na idinaos sa China – at invited
Ang inyong ‘yours truly’ para i-represent
Ang Inang Bayan sa isang famous event;
Na dinaluhan ng mahigit isang daang
Bansang kasapi sa Congress na naturan;
Kung saan ang inyong hamak na kabayan
Ay kabilang sa tumanggap ng parangal.
Sa puntong naturan, di ko sinasabing
Huag na nating muli silang tangkilikin;
Bunsod ng kung anong nasabi po natin
Pagkat ya’y personal ng maituturing.
Pero kung talagang may pinagbago na
Ang dati po nilang estilo kumbaga,
Aba’y di subuking muli ng mag-ama
Kung ang dati nila karisma’y ubra pa!
Pero sana naman kung sila’y palaring
Muling makatungtong sa dating tungkulin,
Bilang public servant ay kanilang gawin
Ang sa taong baya’y dapat bigyang pansin;
Pagkat kung tunay ang hangaring maglingkod
Ng buong puso sa bayang ini-irog,
Ano’t di po natin magawang masunod
Ang kung anong dapat ng sinsero’t taos?
(May karugtong)