MALOLOS CITY—May pag-asa pa at hindi pa rin tuluyang mamamatay ang pagtatanghal ng sinakulo kahit ang uso ngayon ay multi-media entertainment hatid ng makabagoing sinehan at mga DVD movies.
Ayon kay Bong Enriquez, ang artistic director ng Dularawang Bulacan Foundation (DBF) na nagtatanghal ng sinakulo sa Bulacan mula 1974, hanggang may namamanata at naniniwala sa kalinangang Pilipino magpapatuloy ang pagtatanghal ng mga sinakulo.
Ang sinakulo ay isang pagtatanghal pampamayanan o community theatre na batay sa buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. Ito ay itinatanghal sa mga barangay tuwing Semana Santa, kung saan ang mga gumaganap ay residente rin ng barangay.
Sa pagtatanghal ng DBF ng kanilang Sinakulo 2009, ay mga kabtaang may edad apat na taon hanggang 20-anyos ang kanilang mga naging aktor sa entablado.
“Dati ay mga tagapanood lang namin sila at mga tagapagdala ng costume at tubig o kaya gumaganap na anghel, pero we realized that kids can deliver a very strong message to the viewing public,” ani Enriquez.
Ang tradisyonal na pagtatanghal ng sinakulo ay karaniwang pinapangunahan ng mga kalalakihan at kababaihan na ang edad ay 18 pataas.
Ngunit sa Sinakulo 2009 ng DBF ay mga bata ang kanilang actor partikular na ang gumanap na Hesus at Hudas na kapwa halos ay hindi pa tinedyer.
Ayon kay Enriquez, mas madaling turuan ang mga kabataan at positibo ang mga ugali nito.
“Mayroon diyan na magagaling nang umarte, pero malaki ang ulo kaya daig ng mga bata na mababang loob,” aniya.
Ang Sinakulo 2009, sinimulang itanghal noong Sabado sa bayan ng Plaridel at itatangahal din ngayong gabi sa bakuran ng kapitolyo sa lungsod na ito, sa bayan ng San Rafael sa Abril 6, pagkatapos ay balik sa bakuranng kapitolyo sa Abril 7, at sa Barangay Bangkal sa lungsod na ito sa Abril 8.
Magtatanghal din ang DBF sa bayan ng Guiguinto sa Abril 9, sa Barangay Bulihan sa lungsod na ito sa Abril 10, at sa bayan ng Bulakan sa Abril 11.
Ayon kay Isagani Giron, dating pangulo ng Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan (Sampaka), isang dating sinakulista at scriptwriter, ang golden age ng pagtatanghal ng sinakulo sa Bulacan ay noong dekada 50 kung saan ang mga residente ay aktibong nakikilahok bilang bahagi ng pagtatanghal, o bilang manonood.
“Mayroong panahon dito sa Malolos kung saan ay may limang barangay na mayroong pagtatanghal ng sinakulo kung Mahal na Araw,” ani Giron sa esklusibong pakikipananayam.
Sa mga nagdaang panahon, sinabi niya na ang sinakulo ay karaniwang sinisimulang ipalabas kung gabi ng Linggo ng Palaspas at natatapos kung Linggo ng Pagkabuhay, samantalang ngayon ay halos tatlong gabi na lamang ang palabas.
“Ang sinakulo ang palabas ng bayan noon kaya gabi-gabi ay dinudumog ito ng mga tao dahil mga kamag-anak at kapitbahay nila ang nagsisiganap,” ani Giron.
Bilang isang tradisyon, ang sinakulo ay dumaan sa napakaraming pagbabago o ebolusyon sa nagdaang 200 taon.
Ayon kay Giron, ang nagdaang 100 taon o siglo ang may pinakamaraming naitalang pagbabago sa sinakulo, mula sa pagiging tradisyunal patungo sa pagiging makabago at radikal pati na ang mga taong gumaganap at dati’y nanonood ay nagbago na rin.
Sinabi pa ni Giron na ang sinakulo ay maituturing na anak ng pagbasa ng pasyon kung Mahal na Araw.
Batay sa mga tala, ang pasyon ay unang nasusulat sa salitang Latin ngunit isinalin ito sa Tagalog ni Don Gaspar Aquino de Belen ng Batangas noong 1703.
Dahil dito naging popular ang pagbasa ng pasyon sa mga sumunod na dekada.
Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, naging popular naman sa Pilipinas ang dulaang moro-moro kung saan ang kuwento ay palaging umiinog sa pagitan ng nag-aaway na kahariang Kristiyano at Muslim na ang katapusan ay ikakasal ang prinsipeng Kristiyano sa Prinsesang Muslim at magiging Kristiyano ang buong kaharian ng Muslim.
Ayon kay Giron, ang moro-moro ay ginamit ng mga Kastila sa ebanghelisasyon at kolonisasyon sa bansa, at ito rin ang nagbigay inspirasyon sa sinakulo.
Sa Bulacan, ang unang sinakulo ay naitala noong 1880 sa Barangay Mabolo ng lungsod na ito, ngunit sa pagpasok ng ika-20 siglo, ang ibang barangay tulad ng Matimbo, Bulihan,Tikay, Caingin at Canalate ay nagsagawa na rin ng kanilang mga pagtatanghal.