NAPAKAGANDA nitong panukalang Bill
Ng ating 1st District Congressman Lazatin,
Na ngayon pa lang ay tinitiyak nating
Susuportahan ng kapwa niya Solon din
Upang maipasa hanggang sa panga-tatlong
Pagbasa sa Congress at tuluyang itong
Iyakyat sa Senate at magtuloy-tuloy
Ang ‘due process during the deliberation’
Nitong ‘House Bill No. 5335,
Which the hardworking Solon had recently filed,
Pushing for the use of bicycles and alike
As a daily means of transport, and thus required
Lawful designation, if not the construction
Of some bicycle lanes throughout the whole nation,
(At saka ‘bicycle racks’ sa ‘compound’ nitong
Lahat ng kumpanya’t establisimyentong
Pinapasukan ng mga mangagawa,
Ng nasa ayos at tanaw riyan ng madla,
Liban sa ligtas din yan sa pagkawala
Kung ang ‘bicycle racks’ ay nasa lugar nga)
May seryosong pangangailangan ang Pinas
Kung ano liban sa lumalamon ng gas,
Ang alternatibong magamit ng lahat;
At isa na nga ang naturang ‘de padyak’
Na di ginagamitan ng gasolina
O anumang angkat sa bansa ng iba,
Na palagi na lang sumisirit tuwina
At sa ati’y parang nakapulupot na.
Maging si Remollo na siyang Pangulo
Ng CDC – at ngayo’y nagpapatakbo
Nitong ‘freeport’ ay kanya ring inanunsyo,
Na i-revive n’yan ang ‘bicycle lanes’ dito.
(Na nasakop sa pagpapaluwag nitong
Mga kalsada riyan nang lisanin noon
Ang Clark field ng lipi ng Amerikanong
Si Sam na tumira ng mahabang taon
Sa naturang lugar hanggang sa pumutok
Ang Mt. Pinatubo na nagtaboy lubos
Sa mga G.I. Joe upang humarurot
Lisanin ang bansa ng dahil sa takot!)
‘In a press statement,’ sabi ni Remollo
Itong CDC ay masugid umano
Sa intension nitong i-‘revive’ ng husto
Ang mga nawalang ‘bicycle lanes’ dito.
Para sa ‘more eco-friendly means’ umanong
Masasakyan at/o klaseng transportasyon,
Sa loob po nitong nasabing ‘freeport zone.’
(Upang makabawas pati sa polusyon;
Ang sobrang pag-gamit sa uring panggatong
Na patuloy pa rin sa pagsirit ngayon,
At siyang animo ay dambuhalang dragon
Na handang sumila anumang panahon).
Pero bunsod nitong napapanahong bill
Na isinusulong ni Tarzan Lazatin,
Malaki ang maitutulong sa atin
Nitong “Bicycle Use Act 2011’;
Kung saan tayo ay makapagtitipid
Ng ating gastusin sa pabalik-balik
Na pagpunta sa ‘ting trabaho at opis
Na pinapasukan sa lahat ng saglit.
Sapagkat puede na tayong makarating
Ng di na kailangang mamasahe mandin,
Dala ng maari ng bisikletahin
Ang paglabas-masok sa trabaho natin.
Ng ligtas at saka mas ‘convenient’ pati
Kapag itong ‘bicycle lanes’ na nasabi,
Ay mai-bukod na ‘within the twin city’
At sa buong bansa hangga’t maari!