Minsan pa, pinatunayan na naman ng kapalaran kung gaano gaano kawalang-kuwentang BF itong si John Prats.
Wala siyang relasyong natatapos at lahat ng mga naging relasyon niya ay lagi niyang iniiwan sa alanganin ang babae.
Latest na biktima ni John Prats ay si Bianca Manalo who granted an interview at umaming nagkalabuan na sila ni John.
Ayon kay Bianca, tinapos na nila ang kanilang relasyon. May bitternesss sa tono ni Bianca and it seemed, medyo hindi maganda ang pinag-ugatan ng kanilang hiwalayan.
They had been in a relationship for seven months.
Lumalabas na may third party sa kanilang hiwalayan at ito si Sunshine Garcia ng Sexbomb Dancers.
Selos daw ang naramdaman ni Bianca kay Sunshine lalo na nga nang malagay sa internet ang isang picture na naglalambingan sina Sunshine at John.
But Sunshine, when interviewed for TV Patrol, denied all these saying, “Wala po kaming picture ni John na walang kaugnayan sa aming trabaho. Hindi ko po alam kung saan nanggaling ito. At saka, bakit ako?”
Sabi pa ni Bianca, si John ang nakipag-break up sa kanya. Nauna kay Bianca, sina Shaina Magdayao at Rachel Anne Go na parehong iniwang lumuluha ni John Prats.