MALOLOS CITY —Mas malawak na suporta ang inaasahang bubuhos sa kampanyang Save Biak-na-Bato matapos ang premier night ng pelikulang may kaparehong titulo.
Ang premier night ng pelikulang Biak-na-Bato na pinagbidahan ni Inez Veneracion ay isinagawa sa The Cabanas Cinema sa lungsod na ito noong Martes ng gabi.
Bilang pangunahing tauhan sa pelikula, ginampanan ni Veneracion ang papel ng isang environmentalist na ang ang asawa ay namatay sa minahan ng marmol sa Biak-na-Bato.
Ayon kay Paolo Buera, ang 27-anyos na direktor ng nasabing pelikula, ang shooting ng kabuuan ng pelikula ay isinagawa nila sa mga bayan ng San Miguel at Donya Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan noong nakaraang Setyembre.
“Its clearly a save Biak-na-Bato movie,” ani Buera na nagmula sa bayan ng San Miguel kung saan ay sinulat niya ang buong istorya o script ng pelikula dalawang taon na ang nakakaraan bilang tugon sa kampanya laban sa global warming.
Sinabi niya na ang pelikulang Biak-na-Bato ay hindi lamang nakatuon sa proteksyon ng kalikasang nasasakop ng national park, kundi maging sa kasaysayang naitala doon.
Batay sa kasaysayan, ang Biak-na-Bato ay pinagkutaan ng mga rebolusyunaryong Pilipino sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo na lumaban sa mga Kastila bago matapos ang 1800.
Sa nasabi ring lugar nilagdaan nina Aguinaldo at mga opisyal na Kastila ang Pact-of Biak-na-Bato matapos mabuo ng mga rebolusyunaryo ang kauna-unahang Konstitusyon sa bansa.
“Hopefully, the movie will open the minds of people to protect, conserve, preserve and develop Biak-Na-Bato,” ani Buera na nagpahayag ng pagka-alarma sa walang habas na pagmimina ng marmol doon.
Gayundin ang sinabi ni Konsehal Gemma Sevilla Alcantara, ang nag-iisang halal na opisyal ng San Miguel na nakarating sa premier night.
“Nakakabahala na ang pagminina ng marmol sa Biak-na-Bato,” ani ng konsehal na nagsabi pa na iyon ay dating bahagi ng San Miguel bago itatag ang bayan ng Donya Remedios Trinidad noong dekada 70 na inukit sa mga bayan ng San Miguel, Angat at Norzagaray.
Ang premier night ay dinaluhan din ng mga residente ng San Miguel, mga opisyal at mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU), kung saan ilan sa mga gumanap ay estudyante ng nasabing pamantasan tulad nina Kristine Nieto at Ralph Ellis Lopez.
Bukod sa dalawa, gumanap din sa nasabing pelikula ang mga Bulakenyong sina Austin Alcantara, Anton Gomez, at Alex Castro na isang konsehal ng bayan ng Marilao.
Ang pelikulang Biak-na-Bato ay ang unang pelikulang idinerihe ni Buera na nagpaplanong gumawa rin ng pelikula hinggil sa Palawan sa taong ito.
Bilang kasapi ng Greenpeace Foundation, sinabi ni Buera na naibigan niya ang tema ng pangangalaga sa kalikasan upang mabuksan ang kaisipan ng marami hinggil ditto.
Nagpahayag din siya ng pag-asa na ang mga independent film na katulad ng Biak-na-Bato ay magiging katanggap-tanggap sa mga manonood.