Home Headlines BFAR namahagi ng bangka sa mga mangingisda ng Subic

BFAR namahagi ng bangka sa mga mangingisda ng Subic

297
0
SHARE

SUBIC, Zambales (PIA) — Namahagi ng kabuuang 10 fiberglass reinforced plastic boats ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda sa Subic, Zambales.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang siyam na fisherfolk association at isang indibidwal.

Ayon kay BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, ang mga bangka ay binuo mismo ng mga samahan sa loob ng 10 hanggang 15 araw kung saan aabot sa humigit kumulang 900 mangingisda ang inaasahang makikinabang.

Namahagi ng kabuuang 10 fiberglass reinforced plastic boats ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga mangingisda sa Subic, Zambales. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

Aniya, layunin ng programang ito na mapalakas pa ang hanay ng mga mangingisda sa West Philippine Sea na itinuturing mga bayaning nagbibigay ng pagkain sa hapagkainan sa kabila ng banta sa kanilang seguridad.

Dagdag pa niya, ang bawat bangka ay lalagyan din ng transponder para sa safety at sea lalo na kung may mga paparating na bagyo.

Sa isang pahayag, nagpasalamat ang Pangulo ng Samahan at Ugnayan ng Mangingisda ng Matain na si Danilo Agustin sa natanggap na tulong mula sa BFAR.

Aniya, malaking bagay sa kanilang grupo ang naturang 30 talampakang bangka upang maparami ang mahuling isda nang sa gayon ay lumago ang kanilang kita.

Samantala, sinagot ng Department of Labor and Employment ang sahod ng mga mangingisdang gumawa ng kani-kanilang mga bangka sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating mga Disadvantaged/Displaced Workers. (CLJD/RGP, PIA Region 3-Zambales)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here