MALOLOS CITY – Pumanaw kahapon ng madaling araw ang beteranong mamamahayag na si Jose Pavia sa UERM Hospital dahil sa lung cancer. Siya ay 72 taong gulang.
Naulila niya ang kanyang maybahay na si Lolly, inang si Dahlia, mga anak na sina Jose Romulo, Jose Gerardo, Jose Antonio, Dodi, Pinky, Plock-lick, Jose Ricardo at Joey; mga manugang at apo.
Ang labi ni Pavia ay kasalukuyang nakaburol sa Arlington Chapel sa Quezon City. Plano ng pamilya ang kanyang libing sa Loyola Memorial Park, ngunit wala pang itinakdang araw.
Bago pumanaw, si Pavia ay naglingkod bilang executive director ng Philippine Press Institute (PPI), tagapangulo ng Freedom Fund for Filipino Journalist (FFFJ), at publisher at editor-in-chief ng Mabuhay, isang lingguhang pahayagan na nakabase sa Bulacan mula pa noong 1980.
Isa rin siya sa mga kasapi ng November 23 Movement at ng Christians in Media, isang samahan ng mga Kristiyano sa larangan ng pamamahayag.
Nagsimula ang karera ni Pavia bilang isang campus journalist sa Ateneo De Manila University.
Hindi pa siya nakakatapos ng kolehiyo ng siya ay hikayatin ng isa pang beteranong mamamahayag na si Fred Rosario sa pagtatatag ng lokal na pahayagan sa Quezon City noong huling bahagi ng dekada 50.
Si Rosario din ang humikayat kay Pavia na magsulat sa Philippine Herald. Hindi nagtagal ay nagsilbi siyang deskman at editor.
Dahil sa martial law, nasara ang Philippine Herald at si Pavia ay naging bahagi ng pagtatayo ng state-run Philippine News Agency (PNA) na siyang pumalit sa Philippine News Service (PNS) na pag-aari ng mga malalaking pahayagan sa bansa bago ideklara ang martial law.
Noong 1980, kasama ang ilang malapit na kaibigan, itinatag ni Pavia ang pahayagang Mabuhay, isa sa mga premyadong kasaping pahayagan ng PPI.
Sa mas naunang panayam, sinabi ni Pavia na ang paglalathala nila ng Mabuhay ay isang paraan upang subukin ang martial law.
“We kept pushing the limits of press freedom then to know how far we can go and gauge how serious is the government to lift martial law,” aniya.
Bilang executive director ng PPI, si Pavia ang isa sa nagsulong ng pagpapatupad ng programang civic journalism para sa mga kasapi ng PPI. Ang civic journalism ay isang pamamaraan ng pamamahayag pang-komunidad kung saan ang bawat kasapi ng isang pamayanan ay binibigyang pagkakataon na ilahad ang kanilang damdamin at pananaw.
Sa mga isinagawang workshop ng PPI hinggil sa civic journalism, iisa ang payo ni Pavia sa mga kalahok: “do your job extra-ordinarily well.”