MALOLOS CITY—Ginawaran bilang mahuhusay na Pamahalaang Bayan sa pagpapatupad ng Streamlining Project in the Issuance of Mayor’s Permit ang bayan ng Sta. Maria, Bocaue at Guiguinto sa kategoryang first and second class municipalities sa lalawigan ng Bulacan.
Ang parangal ay ipinagkaloob ng Central Luzon Growth Corridor Foundation, Inc. (CLGCFI) sa mga natatanging bayan at lungsod sa Gitnang Luzon na ginanap sa Holiday Inn Hotel sa Clark Freeport Zone kamakailan.
Sa ikatlong pagkakataon, nakamit ng Sta. Maria ang unang puwesto na nagtala ng iskor na 89 %.
Dahil sa tatlong taong sunod-sunod na pagkapanalo sa unang puwesto, ang bayan ng Sta. Maria ay itinanghal bilang Hall of Fame Awardee.
Inirekomenda rin sila na mai-ugnay ang kanilang sistema sa Philippine Business Registry upang magkaroon ng virtual structure or on-line application for business permit.
Samantala, ipinagkaloob naman sa Pamahalaang Bayan ng Bocaue ang ikalawang puwesto sa iskor na 88% at ikatlo naman ang bayan ng Guiguinto na pumuntos ng 86%.
Nakuha naman ng Angat ang Most Client-Friendly LGU in Central Luzon sa pambayang kategorya.
Binigyan din ng citation award ang bayan ng San Rafael, Angat at Norzagaray bilang finalists at pagkilala sa kanilang pagpupursigi at pagsasagawa ng makabagong sistema sa pagproseso ng business permit.
Ang mga batayan sa pagpili ng natatanging Pamahalaang Bayan at Lungsod ay ang mabilis na proseso ng permit base sa dokumentasyon, paggamit ng client-feedbacking system, kompyuterisasyon, pagsusuri o ebalwasyon ng Internal Monitoring Unit upang pagbutihin pa ang sistema na may kaugnayan sa Quality Management System, pagtatayo ng permanente o pansamantalang Business One Stop Shop, pagbabawas ng mga dokumento at lagda.
Kasama rin sa batayan ang paglalagay ng directional signage, flow charts waiting lounge, libreng refreshment, at television para sa mga kliyente habang naghihintay ng kanilang aplikasyon sa permit.
Ayon kay Gob. Bella Angara, Tagapangulo ng CLGCFI, ang streamlining project na sinimulan noon pang 2001 ay isa lamang sa mga proyekto ng pitong gobernador sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng kanilang foundation na CLGCFI na dating kilala bilang Central Luzon Investment Coordinating Council o CLICC.
Layunin ng proyekto na magkaroon ng business-friendly environment sa Gitnang Luzon at maging kaakit-akit sa mga lokal na negosyante at dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng mabilis na proseso sa pag-iisyu ng iba’t-ibang permit o lisensya kabilang ang Mayor’s permit.
Ito ay bilang pagtugon na rin ng mga gobernador sa Gitnang Luzon sa Memorandum Order # 117 ng Malacañang na ipinalabas noong Setyembre 15, 2003.
Dahilan sa proyektong ito at mga inobasyong isinasagawa ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, pampublikong tanggapan ng mga siyudad at bayan, ang proseso sa pag-iisyu ng sertipikasyon, permit o lisensya ay bumilis at naging business-friendly.
Ayon kay Gob. Angara, ang Central Luzon ang nagsisilbing modelo sa bansa sapagkat dito nag-aaral ang iba’t-ibang lalawigan at tinutularan ang proyektong streamlining.
Napatunayan naman ng maraming bayan sa Bulacan gayundin sa Gitnang Luzon na malaki ang itinataas ng kanilang koleksyon sa buwis resulta ng kumpyuterisasyon, pagpapabilis ng proseso at pagkakaroon ng business-one-stop shop.
Samantala, iminungkahi naman ni Inh. Merly Cruz, undersecretary ng Regional Operations and Development Group ng Department of Trade of Industry, na magkaroon ng standard format ng application for permit ang lahat ng mga siyudad at munisipyo sa bansa.
Ang lahat ng impormasyon karaniwang hinihingi ng mga ahensya ay nakapaloob sa aplikasyong ito upang minsanan na lamang mag-fill-up ng dokumento ang mga negosyante at maiwasan ang pauli-ulit na pagsusulat.
Hinangaan naman ni Atty. Kim Jacinto Henares, senior private sector development specialist ng IFC at World Bank ang streamlining project ng CLGCFI sapagkat ang mga lungsod sa Metro Manila ay kailan lamang nagkaroon ng kasunduan upang sama-samang lumikha ng programang magpapabilis ng proseso sa pag-iisyu ng Mayor’s Permit.