Bentahan ng feeds bumagsak

    1109
    0
    SHARE
    CANDABA, Pampanga —- Bumagsak na rin ang bentahan ng feeds kasunod ng bird fl u outbreak sa San Luis, Pampanga.

    Ayon kay Candaba Mayor Danilo Baylon, bumagsak na ng 30 porsiyento ang bentahan ng mga feeds ngayon habang nasa 95 porsiyento ng bentahan ng manok, itik at bibe ang bumagsak.

    Ang mga nag-aalaga daw ng manok, itik at bibe ay hindi na rin nakakabayad sa ngayon ng mga inorder na feeds hindi dahil sa nagkakamatay ang mga alaga kundi dahil pagkalugi ng mga ito dahil wala nang bumibili sa mga alaga.

    Kung tutuusin ay hindi sila nalulugi dahil sa pagkamatay ng mga manok dahil wala naman daw namamatay kundi ang pagkalugi na epekto ng masamang balita ng bird flu.

    Umaasa sila Baylon na ngayong tapos na ang culling procedure sa Pampanga ay babawiin na ng Department of Agriculture ang 1-kilometer quarantine area at idedeklarang bird fl u free na sa nasabing lugar para makabawi sila sa pagkalugi sa negosyo nitong nakaraang mga araw.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here