Benepisyo ng internet

    355
    0
    SHARE

    “Kuya Dino, istorya na yun, di ba?”

    Ito ang nakangiting tanong sa akin ni Shane Velasco ng pahayagang Punla matapos marinig ang pagpapatibay ng Regional Development Council (RDC) ng Gitnang Luzon sa resolusyon para sa pagpapakumpuni sa mga parola sa baybayin ng look ng Manila na nasasakop ng Bulacan, Pampanga, at Bataan.

    Nagkokober kami noon sa Hiyas ng Bulacan Convention Center kung saan isinagawa ng RDC ang full council meeting nito noong Miyerkoles, Hulyo 13.

    Napangiti rin ako at tumango, bilang pagtugon sa tanong ni Shane na nasa kabilang mesa sa pagitan ng mesang kinauupuan ko at ng mahabang mesang kinauupuan ng mga kasapi ng RDC.

    Ang totoo, parang umaawit ng puso ko ng marinig ko ang pahayag ng RDC.

    Hindi ako makapaniwala na magiging bahagi ang aking panulat hinggil sa parola upang mabigyang pansin ang kasalukuyang kalagayan ng mga ito at mga mangingisada sa baybayin ng Bulacan.

    Ngunit higit ang aking kasiyahan ng una kong marinig ang talakayan mga kasapi ng Sectoral Committee on Infrastructure Development (SCID) ng RDC hinggil sa nasabing proyekto noong Hunyo 30.

    Nasa Partyland Restaurant kami noon sa Lungsod ng ng San Fernando, Pampanga kung saan nagpulong ang mga kasapi ng SCID sa pamumuno ni Gob. Wilhelmino Alvarado.

    Abala ako asa pagsusulat ng kanilang sinasabi habang nakabukas ang aking digital audio recorder. 

    May limang minuto ng tinatalakay ang nasabing proyekto matapos presentasyon ni Arlyn Pascual ang hepe ng Provincial Planning and Devolopment Office (PPDO) ng Bulacan ng mapukaw ang aking isipan.

    “Istorya ko yata ito,” ang tahimik kong tanong sa aking sarili na sinagot ko rin ilang sandali ang makalipas.

    “Istorya ko nga ito, ito yung istorya na sinimulan ko,” sabi ko sa aking sarili at naalala ko pa na matapos ilathala ito ng PUNTO noong Pebrero ay kinapanayam ko pa si Gob. Alvarado.

    Sa panayam ko kay Alvarado nitong Abril, sinabi niya na posibleng mapondohan na ang pagpapakumpuni sa mga parola.

    Hindi ko nagawa ang istorya ng parola dahil hindi sapat ang aking narinig kay Alvarado.  Isa rin siguro ito sa mga dahilan kaya’t medyo nalimutan ko na binanggit na rin sa akin ng punong lalawigan na ipinasok na niya sa RDC ang panukala sa parola.

    Kung sabagay, matapos kong sulatin ang istorya ng parola sa Pugad noong Pebrero ay sunod-sunod na istorya naman ang hinabol, bukod pa sa naging abala ko hanggang unang linggo ng Abril sa aking mga klase sa Bulacan State University.

    Ang totoo, ilang mamamahayag sa lalawigan ang nagkainteres na magpunta rin sa Pugad nitong tag-araw, ngunit hindi kami nagkaroon ng pagkakataon dahil sa dami ng trabaho.

    Sa isang banda, medyo nag-aalangan din akong bumalik doon noong nakaraang tag-araw dahil saw ala pa akong magandang balita sa mga residente ng Pugad katulad ni Kagawad Lunes.

     Ngunit ngayon na ito ay pinagtibay na ng RDC at inendorso na para pondohan ng pamahalaang pambansa, magandang balita na ito.

    Bukod dito, maging ang ibang parola sa baybayin ng ng look ng Manila ay nadamay. Ang totoo, hindi ko inaangkin na ako ang dahilan ng pagbibigay tugon ni Gob. Alvarado sa parola.

    Sa halip nais kong ibigay ang karangalan kina Kagawad Lunes at Dave Concepcion at mga residente ng Brgy. Pugad sa walang humpay nilang pagnanais na makapaghatid ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang barangay.

    Kung hindi dahil sa kanilang social media activism ay hindi ko malalaman ang kalagayan ng parola.

    Ipinagpapasalamat ko rin na ako ang nabigyan ng pagkakataon na magamit ang aking kakayahan para sa pagsisimula ng pagbabago at paghahatid pag-asa sa mga kalalawigang halos hindi makaabot sa pamahalaan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here