Humingi ng paumanhin kay Coco Martin ang mismong may-ari ng Bench clothing brand na si Ben Chan.
Ito ay dahil sa pagkakasangkot ng aktor sa kontrobersiyang may kinalaman sa naganap na The Naked Truth, Bench underwear and denim fashion show noong September 20.
Matatandaang nakatanggap ng pambabatikos ang ginawa ni Coco na paghawak ng lubid na nakatali sa leeg ng isang foreign female model sa naturang event. Read: Bench apologizes to “offensive” portrayal of women in The Naked Truth Base sa Instagram account ng naturang clothing brand, nilinaw ni Ben na ginampanan lang ni Coco ang ipinagawa sa kanyang theater act ng mga bumubuo ng fashion show.
Humingi rin ng dispensa si Ben para sa mga naeskandalo sa tema ng event. Partikular dito ang grupo ng Gabriela na inalmahan ang mga elemento ng fashion show na nakakapagpababa ng dignidad ng kababaihan.
Pero may tonong wala nam,an daw silang masamang iniisip sa kanilang concept. Malayo raw sa iniisip ng iba na may kahulugang sekswal ang kanilang ginawang pagtatanghal especially nga yung segment ni Coco. Very literal daw yung konsepto about animal behavior kaya talagang nagtataka sila kung bakit may mga taong na-offend.
“Nevertheless, sorry sa mga nasagasaan namin, we meant no offense,” sabi pa niya. Kasabay nito, sinabi pa ni Ben Chan na siya mismo ay personal na na-disturb sa ilang bahagi ng show especially yung kay Tom Rodriguez na exaggerated daw ang ginawang bulge sa kanyang harapan to show he has something up his front.
Oversize codpiece daw ang ginamit at kung ang gusto lang sana ni Tom ay ma-emphazise ang kanyang harapan, sana daw ay nagging maingat ito sa paglagay ng lavacara dito. Pero nasiyahan naman daw si Ben Chan sa kabubuan ng show at kung may mga taong magrereklamo dahil sa sexual undertone sa portrayal ng mga modelo nais niyang ipaalala ito raw ay bahagi ng marketing ng mga underwear ng mga kalalakihan.
Oo nga naman!