Home Headlines Belen simbolo ng pamilya laban sa terorismo.

Belen simbolo ng pamilya laban sa terorismo.

628
0
SHARE
Ang nasa mahigit 100 kasundaluhan na nasa ilalim ng officer candidate course CL 60-2024 sa Belen Tour ng AFP at Tarlac Heritage Foundation.

CAPAZ, Tarlac — Pamilya. Ito ang sinisimbolo ng Belen kayat mahalaga ang kulturang ito sa pagtatanggol sa bayan at malabanan ang terorismo.

Ito ang pahayag ni Lt. Gen. Roy Galido, commander ng Philippine Army (PA) kaugnay ng ginawang Belenismo sa Tarlac 2023 officer candidate course send off ceremony nitong Martes.

Ayon kay Galido, ngayong Kapaskuhan ay mahalagang maunawaan ng kasundaluhan ang sinisimbolo ng Belen kahit na magkakaiba ng relihiyon ang mga sundalo.

Pamilya aniya ang simbolo ng Holy Family na siyang basic foundation ng komunidad na panlaban sa idolohiya ng terorismo na pagsira ng pamilya.

Madali aniyang ma-address ng kasundaluhan ang banta sa seguridad na bukod sa pagmamahal sa bayan ay dapat nauunawaan nito ang pagmamahal sa pamilya at ibat-ibang kultura ng bansa.

Samantala, katuwang ng Philippine Army ang Tarlac Heritage Foundation sa Belenismo sa Tarlac officer candidate’s tour.

Ayon kay Dr. Isay Cojuangco-Suntay, ipinakita nila sa kasundaluhan ang ibat-ibang kategorya ng 16th Belenismo sa Tarlac na: Community, Church, Monumental,Grand Municipality at Non-Municipality.

Ito aniya ay para mas maunawaan ng kasundaluhan na nagmula pa sa ibat-ibang lugar ng bansa ang kultura ng Belen kapag Kapaskuhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here