Kahit na kontrabioda, very excited ang alaga ni Ms. Claire Dela Fuente na si Bela Padilla sa Sisid na kasalukuyang palabas na ngayon sa GMA 7.
Si Bela ang pumalit kay LJ something nang ilipat ang huli sa danceserye na Jump. Kung ano’ng rason, tanging sila lang ang nakaalam, but we surmise na nagkesyo-kesyo si LJ na di niya matanggap na kontrabida lang siya. Arte naman kasi talaga’ng LJ Moreno na ito. Kung hindi pa siya puro kamot ngayon dahil kapapapanganak lang niya a few months ago, baka mas maarte pa siya ngayon.
Pero bakit naman kaya nagkontrabida na naman si Bela gayung leading lady na siya ni Aljur Abrenica sa Machete?
“That’s just fine with me,” nakangiting sabi pa ni Bela na talaga namang tunay na artista at hindi nag-iinarte. Kahit nga naman kontrabida ang roles, ano ang masama, di ba naipakikita nga ang galing dahil acting piece naman talaga yung role ng isang kontrabida?
“Nag-contravida rin naman ako noon as Yumi in ‘Endless Love’ at maganda ang feedback so okay lang. I want to be known as someone who can do both lead and villain roles convincingly.”
Ngayon ay ka-join si Bela sa newcomers sa Yes Mag’s Next Big Thing list and is now one of the nominees in FHM’s 100 sexiest.
“Thank you very much, but these are just icings on the cake. I love my work so much and my goal is to be recognized as a competent and versatile actress. I want my acting to be appreciated not only here but also abroad so I’m praying I’d be given the chance to do indie films that will be shown in international film festivals.”
O hindi ba, may katuturan ang pangarap ng anak ni Ms. Claire?
Sa Sisid, aapihin ni Bela si Jackie Rice, pero di kaya bumaligtad na naman ang sitwasyon at sa halip siya ang maapi sa banding huli gaya ng ginawa sa kanya ni Marian noon? Bratinella rin si Jackie Rice na puwedeng banggain niya si Bela ‘pag na-insecure din ito kay sa kanya.
Pero siyempre, natuto na si Bela, palaban na siya ngayon, sila nga naman ang nagturo sa kanya to fight back.
Go on, Bela, at nasa likod mo lang ang maraming friends mo.