Slow but sure ang ginawang pagbi-build up ng GMA 7 kay Bela Padilla. Palibhasa, di naman nagmamadali si Bela at ang kanyang manager na si Ms. Claire Dela Fuente, napagtiyagaan nila ang mabagal pero siguradong pagpapahinog kay Bela.
She started from scratch, ‘ika nga. Pero sa simula pa lang, maliwanag agad na papunta na si Bela sa pagsikat dahil nga napasalang agad siya sa madelang kontrobersya.
Sa showbiz, barometro ng napipintong kasikatan ang pagkasali sa mga matitinding kontrobersya.
From her initial controversy, napansin si Bela, nabigyan ng maraming breaks, ipinamalas ang kakayahan bilang aktres, napansin din ang star potential at ayan na nga, isa na siya sa mga itinuring na big star ng GMA 7.
Sa ngayon, Bela stars in a GMA new teleserye. Ito yung Magdalene, where Bela essays the character of a woman with a lot of moral issues.
Malaking hamon ito sa kakayahan ni Bela, kaya nga malaki ang pasasalamat niya sa isa pang break na binigay sa kanya.
At dahil lead star na siya sa Magdalena, Bela has nothing but thanks to GMA 7 sa malaking tiwala ng network sa kanya.
The last time we were talking to Bela’s manager, Ms. Claire Dela Fuente, malaki ang pag-asa nitong darating din ang stardom sa alaga niya.
“Mabait na bata si Bela, she is family-oriented. Pamilya ang dahilan kung bakit nagpupursige siya.
With that attitude, Bela is really destined to be big. Umaasa ako, na bibigyang-tiwala siya ng GMA 7, dahil nga ako mismo, gusto kong matupad niya ang mga pangarap niya,” pagkukuwento pa ni Ms. Dela Fuente.
Hindi rin kaila’ng produkto ng naghihirap na pamilya si Bela. Na isa siyang matalinong babae na nagsisikap para maihango ang kanyang pamilya. “I pray and I hope na talaga, matupad ‘yun,” sesyosong sabi pa ni Ms. Claire.
Heto na nga ngayon, bida na si Bela. Galing siya makontrobersyang umpisa at hindi ganoon kadali ang mga pinagdaanan niya. Sumuporta siya nang matagal-tagal din, pero ayan na dumating ang malaking break.
“I will prove them right, na hindi sila nagkamali sa break na binigay nila sa akin, pagbubutihin ko po,” sabi naman ni Bela who seems so inspired nowadays sanhi ng magandang kapalarang dumating sa kanya.
Bukod nga pala sa starring role sa Magdalena, may mga dumarating ding endorsements kay Bela na malaki rin ang naitutulong sa kanyang mga exposures.
So there!