Pinalalabas nilang kontrabida si Bea Alonzo kina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca. Obviously, my mga taong kumikilos para gawing kaawa-awa si Roxanne at mapunta ang simpatiya sa kanya ng taumbayan. As we all know, si Roxanne ay nawala na sa puso ni Jake Cuenca at sa kasalukuyan nga, si Bea Alonzo ang trip nito. Kumbaga, naiwan na si Roxanne na hanggang ngayon ay habaol-habol pa rin si Roxanne.
May anggulo pa ngang kesyo battered girlfriend si Roxanne at si Jake nga raw ay bugbugerong BF. Na kumbaga, lumalabas na ang dahilan ay si Bea Alonzo na sa true lang, ay wala naming kasalanan. Kung umibig man siya kay Jake, ‘yun ay sa panahong wala na sa eksena si Roxanne kaya di dapat akusahang inagawan nito ng lalaki si Roxanne gaya ng ibig nilang palabasin. The truth is, wala ng pag-ibig si Jake kay Roxanne at ‘di na siguro mahalaga pa kung bakit ipinagpalit nga si Roxanne ni Jake sa ibang babae.
Puwede lang nating hulaan kung bakit nga na-fallout of love si Jake kay Roxanne at ayaw naman nga naming magkaroon ng wild imaginings sa pang-iiwan sa kanya. Isa lang ang puwede naming ikomento, ‘di hamak naman kasing mas maganda si Bea Alonzo at hindi trying hard na gaya ni Roxanne something.