SA GRAND PRESSCON ng Sana Bukas pa ang Kahapon, si Albert Martinez naman ang naurirat sa kanyang mga love scenes with Bea Alonzo.
Si Albert ay isa sa leading men ni Bea. Ang isa pa ay si Paulo Avelino. Ayon kay Albert, medyo matagal-tagal nang hindi siya nakikipag-love scene.
Ang huli pa raw niya ay with Joyce Jimenez sa pelikulang Scorpio Nights 2 kaya aminado siyang hindi siya kumportable at fi rst, lalo pa nga’t kalahati lang yata ng edad niya si Bea.
“‘Yung first day ko sa set, parang paano ko maha-handle ito? Honestly, kinabog talaga ako. ’Yung magkaroon ka ng leading lady na ganito at my age.
“To top it all, ’yung Day 2 namin ay love scene. Parang bigla akong nabobo sa eksena na ’yon. Ako ang kinabahan.
Buti na lang si Bea is a very good actress. She handled it well and the scene turned out to be beautiful,” kwento ni Albert.
Say pa ng aktor, “Honestly, medyo kinabahan ako because unang-una, she’s very young and siguro, the last time na nagkaroon ako ng ka-love scene was like, sino ba? Si Joyce?
“So matagal na, hindi na ako masyadong kumportable doon. Kumbaga, nilagay ko na sa baul ’yon. While doing the scene, kailangan kong kumbinsihin at i-prepare ang sarili ko.”
Kung ang love scene nina Paulo at Bea ay sensual at nagsusubuan ng tsokolate, ani Albert, ang kanila naman ni Bea, may pagka-romantic.
“Siguro ang difference ng love scene naming dalawa, sa amin kasi it’s romantic. It’s a love scene between husband and wife and parang make-up love scene, so, iba ang feeling. ’Yung sensuality, hindi part ng love scene. It’s all about love, it’s all about care, it’s all about passion… artistic, so, maganda lumabas ang eksena,” sabi pa ng actor.
Heto na ang magandang part. Natanong si Albert na kung iku-compare niya ang mga labi ni Bea sa isang chocolate, anong klase ito?
“Well, I’d say, mint chocolate. May lamig. Merong freshness,” he said. Sa Sana Bukas pa ang Kahapon, ginagampanan ni Albert ang papel na Leo, asawa ni Emanuelle (played by Bea). Magsisimula ang SBPAK this month. Kasama rin sa cast sina Maricar Reyes, Tonton Gutierrez, Dina Bonnevie, Anita Linda, Eddie Garcia at Susan Roces.