Home Headlines Bayanihan sa community pantry patuloy

Bayanihan sa community pantry patuloy

1448
0
SHARE

Mistulang pamilihan na kumpleto sa mga pang-ulam at panimpla ang gymnasium ng Imelda Integrated School sa Cabanatuan City.  Kuha ni Armand Galang


 

LUNGSOD NG CABANATUAN — Isang buwan matapos itindig ang kauna-unahang community pantry, buhay na buhay pa rin ang diwa ng bayanihan

Sa Barangay Imelda ng lungsod na ito, nasa 1,500 pamilya ang nabiyayaan sa ikalawang community pantry nitong Sabado.

Nagmistulang pamilihan ang gymnasium ng Imelda Integrated School kung saan bukod sa mga bundok ng sari-saring gulay, ay nakakuha ng mga isda, hotdog, karneng manok, canned goods, noodles, kape’t asukal, bigas, mga panimpla at iba pa ang mga residente.

Kapitana Pate Sarmiento ng Barangay Imelda habang tinitiyak na nasusunod ang health protocols sa community pantry. Kuha ni Armand Galang

Ayon kay Barangay Imelda chair Pate Sarmiento, ito ang ikalawa nilang pagsasagawa ng community pantry sa kanilang barangay, isa mga urban areas ng lungsod.

Ngunit bago pa man aniya nauso ang commumity pantry ay nagbabahagi na sila ng food assistance sa kanilamg nasasakupan. “Ngayon, mas kailangan nila ng tulong kaya mas palagi kaming ganito,” ani Sarmiento.

 “Masusundan pa ito,” dagdag ng opisyal lalo’t buong-buo aniya ang suporta ng kanyang mga kapatid sa proyekto. 

Bilang isang urban barangay ay mga kawani ng iba’t ibang establisimiyento, manggagawa at tricycle drivers ang karaniwan sa kanilang mga kabarangay. Marami sa kanila ay naapektuhan ang kabuhayan dahil sa coronavirus pandemic, ayon pa sa opisyal.

“Yung mga trabahador na nawalan ng trabaho. Nagbawas yung mga mall, nagbawas ang NFA (National Food Authority), maraming nawalan ng trabaho. Lalung-lalo na yung mga nagta-tricycle nabawasan ng kita so talagang kailangan nila ng tulong,” paliwanag ng punongbarangay.

Kasaba’y ng panalangin na matapos na amg pandemya ay nanawagan si Sarmiento sa kanyang mga kabarangay na patuloy na sumunod sa minimum public health standards. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here