MALOLOS CITY—Naantala ang pagbabayad ng gobyerno sa may ari ng babuyan sa bayan ng Pandi na nilipol ang mga alagang baboy sanhi ng Ebola Reston virus dahil sa kawalan ng indemnity funds ng regional office ng Department of Agriculture (DA) sa Central Luzon.
Ayon kay Dr. Romeo Manalili, ang pangrehiyong beterinaryo walang nakahandang pondo ang kanilang tanggapan para bayaran ang nilipol na baboy na umaabot sa 6,210.
“We don’t have indemnity funds available at the moment, so we should work hard to have indemnity funds,” aniya.
Gayunpaman, ang pagbabayad sa mga baboy na pinatay ay sinagot ng tanggapan ng DA sa Maynila matapos magkausap sina Agriculture Secretary Arthur Yap at ang may-ari ng babuyan.
Batay sa naunang pahayag ng Bureau of Animal Industry (BAI), ang mga nasabing baboy ay babayaran ayon sa umiiral na halaga sa mga pamilihan.
Ngunit hindi nila tinukoy ang kabuuang halaga na babayaran na ayon sa BAI ay sakop ang panahon mula nang ideklara ang quarantine sa nasabing babuyan noong Disyembre.
Dahil sa nasabing aberya, sinabi ni Manalili na pinagsisikapan nila ngayon na maayos ang kanilang indemnification policies and funds maging ang paghahanda sa mga logistics.
“We should plan well on the preparation of logistics. We should also work hard now to have indemnification policies and funds,” ani Manalili.
Ito ay bilang paghahanda na rin sa possible pang kaso ng Ebola Reston virus at bird flu.
Matatandaan na bago simulan ang paglipol sa mga baboy sa babuyang natuklasang may Ebola Reston virus ay sinabi ni Manalili na ang mga aral na matutunan nila doon ay gagamitin nila kung sakaling magkaroon ng insidente ng bird flu sa bansa.
Ayon kay Manalili, halos pareho lamang ang Ebola Reston at bird flu dahil parehong virus ang susugpuin doon.
“Viral pareho yan kaya pareho lang ng procedure,” aniya at iginiit na ang pagsubaybay at pagtugon sa Ebola Reston virus ay magsisilbi na ring real time simulation drill laban sa bird flu.