Matapos ang mahigit labing isang taon,
Nakahulagpos na sa pagkakabaon
Sa utang ang munisipyo ng San Simon,
Ayon na rin mismo sa butihing mayor.
(Nitong atin siyang huling makaniig
At mapag-usapan ang hinggil sa titik
Ng himnong kay Edwin Lumanog ang himig
At ako ang siyang susulat sa ‘lyrics’).
Sabi ni Mrs. Wong, bayad na ng husto
Pati interes na daan-daang libo;
(Kung saan posibleng ang paglobo nito
Ay sanhi ng kapabayaan siguro).
Ng pamahalaang bayan ng nasabing
Munisipalidad, na nag-ugat mandin
Sa pagpapatayo nila ng palengkeng
Ni hindi kumita kahit singkong duling
Mula nang itayo yan sa tapat mismo
Ng ngayon ay bago nilang munisipyo,
Kung saan bagama’t ‘allocated’ ito
Ng tiyak na ‘budget’ na panghulog dito
Ya’y hinayaan lang yatang hindi bayad
Ng ‘monthly installment’ nitong nakalipas,
Kaya’t suma total nasayang ang lahat
Ng salaping sana’y naibayad dapat
Sa PDIC o sa alin mang Bangko
Na pinaglipatan sa utang na ito,
Mula sa PNB, nang ito’y ma-‘past due’
Upang di ma-‘foreclosed,’ saka ma-imbargo.
Aywan nga lang natin kung bakit inabot
Ng kung ilang taon at hindi na-‘forclosed’
Ang pagka-sangla n’yan hanggang sa mabulok
Ang ilang parting di nalilinis halos.
Aywan din kung bakit yan ay naisipang
Itayo sa isang alanganing lugar,
Kung saan may malapit na pamilihan
Gaya ng Apalit Public Market diyan.
Kung saan imbes sa Tulauc mamili
Ang taga Salusu at karatig pati,
Ay sa Apalit na yan mamalengke
Bunsod ng doon ay daming mabibili;
Di katulad nitong kung sa Tulauc lang
Aasa na mayrung mabibili riyan
Ng kung anong gusto nilang kagamitan,
Pero ala suwerte sa puntong naturan.
Pagkat kagaya nga ng ating nasabi
Ay baka wala ka namang mabibili,
Sanhi na rin nitong sa Apalit kasi
Ay kumpleto halos sa lahat na pati.
Liban pa rito sa SM at Robinson,
Na di kalayuhan, saka ‘air-conditioned;’
Eh, sino pa nga ba na taga San Simon
Ang sa ‘public market’ n’yan pupunta ngayon?
Sa puntong naturan, mas makabubuting
I-‘renovate’ na lang at kanilang gawing
Pagamutang bayan, kaysa walang silbing
‘Public market’ upang ya’y magamit natin
Sa mas mahalagang proyektong pambayan,
Na napapanahon at lubhang kailangan;
Gaya nga po nitong bagay na naturan,
Na malaking tulong sa ‘ting mamamayan;
Partikular na sa mga mahihirap,
Na tunay naman ding walang maibayad
Para magpagamot sa ‘private hospitals’
Na karaniwan ng pera lang ang hangad!
Nakahulagpos na sa pagkakabaon
Sa utang ang munisipyo ng San Simon,
Ayon na rin mismo sa butihing mayor.
(Nitong atin siyang huling makaniig
At mapag-usapan ang hinggil sa titik
Ng himnong kay Edwin Lumanog ang himig
At ako ang siyang susulat sa ‘lyrics’).
Sabi ni Mrs. Wong, bayad na ng husto
Pati interes na daan-daang libo;
(Kung saan posibleng ang paglobo nito
Ay sanhi ng kapabayaan siguro).
Ng pamahalaang bayan ng nasabing
Munisipalidad, na nag-ugat mandin
Sa pagpapatayo nila ng palengkeng
Ni hindi kumita kahit singkong duling
Mula nang itayo yan sa tapat mismo
Ng ngayon ay bago nilang munisipyo,
Kung saan bagama’t ‘allocated’ ito
Ng tiyak na ‘budget’ na panghulog dito
Ya’y hinayaan lang yatang hindi bayad
Ng ‘monthly installment’ nitong nakalipas,
Kaya’t suma total nasayang ang lahat
Ng salaping sana’y naibayad dapat
Sa PDIC o sa alin mang Bangko
Na pinaglipatan sa utang na ito,
Mula sa PNB, nang ito’y ma-‘past due’
Upang di ma-‘foreclosed,’ saka ma-imbargo.
Aywan nga lang natin kung bakit inabot
Ng kung ilang taon at hindi na-‘forclosed’
Ang pagka-sangla n’yan hanggang sa mabulok
Ang ilang parting di nalilinis halos.
Aywan din kung bakit yan ay naisipang
Itayo sa isang alanganing lugar,
Kung saan may malapit na pamilihan
Gaya ng Apalit Public Market diyan.
Kung saan imbes sa Tulauc mamili
Ang taga Salusu at karatig pati,
Ay sa Apalit na yan mamalengke
Bunsod ng doon ay daming mabibili;
Di katulad nitong kung sa Tulauc lang
Aasa na mayrung mabibili riyan
Ng kung anong gusto nilang kagamitan,
Pero ala suwerte sa puntong naturan.
Pagkat kagaya nga ng ating nasabi
Ay baka wala ka namang mabibili,
Sanhi na rin nitong sa Apalit kasi
Ay kumpleto halos sa lahat na pati.
Liban pa rito sa SM at Robinson,
Na di kalayuhan, saka ‘air-conditioned;’
Eh, sino pa nga ba na taga San Simon
Ang sa ‘public market’ n’yan pupunta ngayon?
Sa puntong naturan, mas makabubuting
I-‘renovate’ na lang at kanilang gawing
Pagamutang bayan, kaysa walang silbing
‘Public market’ upang ya’y magamit natin
Sa mas mahalagang proyektong pambayan,
Na napapanahon at lubhang kailangan;
Gaya nga po nitong bagay na naturan,
Na malaking tulong sa ‘ting mamamayan;
Partikular na sa mga mahihirap,
Na tunay naman ding walang maibayad
Para magpagamot sa ‘private hospitals’
Na karaniwan ng pera lang ang hangad!