Sa pagbisita ko sa isa kong anak
d’yan sa San Isidro, Minalin – ang agad
mapansin sa tuwing kami ay babagtas
sa alin mang tulay– ilog ang madalas
Mapansin ko lagi, kumpara sa iba
Sa ganda at linis kumpara sa iba
na dinadaanan sa parting Pampanga;
na ang ilog at sapa puno ng basura.
Partikular itong ‘water lily’ halos
ang di mahulugang karayom sa bundok
din ng basura ang tangi nilang ilog
sa kawalan n’yan ng malasakit lubos.
Pero ang kagaya ng ilog sa Lourdes,
Minalin, Pampanga ay napakalinis
ng ilog at sapa; at may malasakit
ang residente sa kanilang paligid.
May disiplina nga kasi sa sarili
Itong halos lahat na ng residente,
sa pangunguna ng kanilang Alkalde
at Punong Barangay kaya’t nangyayari.
Pamatay daloy nga r’yan ng katubigan,
ang pagtapon ng basura kahit saan;
at ang tanging lunas, disiplina lamang
nitong bawat isa sa’ting pamayanan.
Kaya kung gaano kalinis ang sapa
at ilog dito sa Minalin, di kaya
ya’y nang dahil na rin kina Mayor yata
itong sa naturan ang may panukala?
Na huwag hayaang itong ‘water lily’
lumabong tulad ng sa iba nangyari,
at tulad din namin sa San Simon pati,
sana madaliin n’yan hangga’t maari.
Partkular ni Kap o ng ‘Acting Mayor’
ang pagpapalinis na ‘on going’ ngayon,
kaya lang pahinto-hinto ang pagtugon
nitong kung sino siyang tunay na ‘contractor’.
Na nanalo nga riyan sa ‘bidding’ kung tunay
r’yan na nagkaroon ng naturang bagay,
na kinakailangan din na mabantayan
kung naaayon sa napagkasunduan.
Kap Tayag nitong barangay Sto. Nino
ng San Simon ‘concern’ po ba ang opis n’yo
sa pagpadurog ng ‘water lily’ rito
o basta na lamang walang ‘paki’ kayo?
Kasi nga, ang tagal na r’yang naghihintay
itong inip na rin nating kabarangay,
na sana matapos na ang pagdurog diyan
sa ‘water lily’ ay di nyo pinuntahan;
O nakita man lang para tangkilikin
ang proyetong para sa barangay natin,
na ni anino mo o Kagawad di rin
sumilip para ang ‘project’ kumustahin.
At tayo ay may pakialam din naman
sa lahat ng ating mga inihalal,
kasama pati na ang Pangulo riyan,
pababa hanggang sa tawag ay laylayan!~