Home Headlines Batas para sa halalan baguhin na dapat

Batas para sa halalan baguhin na dapat

517
0
SHARE

Ngayong ang halalan nating pambarangay
ay napagpasiyahang huwag munang isabay
sa naghihingalong salapi ng bayan
para matustusan ang iba pang bagay.

Na dapat unahin at mabigyang pansin
kaysa riyan sa hindi ating maituturing
na pangkagipitang ika nga’y gastusin
kung itong naturan ay pakaliimihin.

Sa totoo lang ay hindi naman lubhang
napakahalaga riyang ng halalang
nasabi nang dahil sa kahit wala n’yan
sa mga barangay, may ibang tatangan.

Nang dahil na rin sa may mga councilors
na sila-sila riyan ang puedeng tumugon
sa lahat ng bagay gaya nang kung anong
ang isang halal ng bayan maitutulong.

Di tayo kontra sa bakit dito lamang
sa Pilipinas mayrung tawag ay Kapitan,
‘next to the Mayor’ sa lahat ng barangay,
kasunod ‘Councilors’ mga Kagawad yan.

Wala n’yan sa kahit malalaking bansa,
na progresibo at sadyang mapayapa;
dahilan na rin sa marahil ika nga,
kakaunti ang medyo mga walanghiya?

Di sa panghahamak sa mga opisyal
na pambarangay ang katungkulang tangan,
marami ang minsan ay di nila alam
ang obligasyon na marapat gampanan.

Ang iba lalo na ang mga Kagawad,
mas madalang pa sa ika nga ay “Kidlat
sa Tag-araw” kung ‘yan dumalo sa oras
ng pagpupulong na ‘present’ sila dapat.

At naatim na kumuha ng sahod
gayong ni katiting sila’y di nagpagod
sa kung anong bagay na ipinaglinkod
na dapat isingil ang lahat na halos.

Kaya kung tayo ang siyang tatanungin
at itong iba pang sa gobyerno natin
may malasakit ay mas makabubuting
ang eleksyon para d’yan mabigyang “Ending”!

Para makatipid ang pamahalaan
sa mga gastusing di lubhang kailangan;
na kung saan mga buwayang kati lang
ang palaging busog sa dugo ng bayan.

‘NoEl’ na ang sigaw ng nakararami
nating kababayan sa puntong nasabi,
kung saan ang siyang mas makabubuti
sa’ting Inangyan na palaging lugi.

Sapagkat kahit na wala tayo nito
na pambarangay na uri ng gobyerno,
posibleng higit pa itong pag-asenso
ng barangay pagkat makatipid ito.

Di kinakailangan na alising lahat
kundi ang bilang n’yan hatiin lang dapat
kung ang Congress at ang Senate ay mayakag
nating baguhin ang panuntunang batas!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here