Batang pangarap maging pulis nasagasaan, patay

    354
    0
    SHARE

    DINALUPIHAN, Bataan- Isang siyam na taong gulang na bata na pangarap maging pulis ang namatay matapos masagasaan habang patawid sa kalsada upang manood ng peryahan sa Barangay Colo ng bayang ito noong Linggo ng dapit-hapon.

    Idineklarang dead on arrival sa Dinalupihan District Hospital ang batang si Al Natividad na nakatira kasama ang mga magulang sa isang payak na bahay sa Parapal, isang upland sityo sa barangay Mabiga, Hermosa, Bataan.

    Ayon sa mga kamag-aral sa Grade 2 ng bata, mabait at masipag mag-aral si Al. “Gusto niyang maging pulis,” sabi ng mga ito.

    Ayon kay Rosendo Lozano, barangay kagawad ng Colo, nadumog ang bata ng van na patungong Olongapo City.

    Mabilis diumano ang sasakyan at kailangan pa nilang habulin ito at maabutan sa kasunod na barangay.

    Inihahanda ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa drayber ng van na si Avelino Duron ng Sta. Rita, Olongapo City.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here