Ayon kay Trebol Flores, officer 1 and social worker ng MSWDO ng Calumpit, agad nilang tinungo ang Barangay San Miguel, Calumpit kung saan nakatira ang bata at kinuha muna ang kustodiya mula sa ina upang ipagamot.
Ngunit ayon sa kanilang assessment, may behavioral problem ang bata at paiba iba ang ugali nito.
Gaya ng napag-alaman na nananakit ng kaklase ang bata sa paaralan kayat kailangan ng behavioral modifi cation para dito.
Lumalabas din na may violation ang ina ng bata na si Mary Anne Dela Cruz at pinag-aaralan nila kung sasampahan ito ng kaso dahil sa pagkakadena sa bata dahil ito ay paglabag sa Anti Child Abuse Law.
Mananatili naman ang bata sa kustodiya ng DSWD ng hanggang dalawang linggo at pwedeng ilipat sa DSWD Region 3 sakaling wala pang makikitang shelter para sa bata na akma sa kalagayan nito.