Home Headlines Bataan trade fair binuksan

Bataan trade fair binuksan

847
0
SHARE
Tuyo, tinapa, bagoong, atbp. sa trade fair. Kuha ni Ernie Esconde

LUNGSOD NG BALANGA — Binuksan ang Galing Bataan Trade Fair nitong Martes sa ground floor ng The Bunker dito at mananatiling bukas hanggang Biyernes upang mag-alok ng mga food at non-food items na gawa ng mga kooperatiba sa lalawigan.

Ang trade fair ay bahagi ng selebrasyon ng Cooperative Month.

Kabilang sa mga paninda ay sabon, kandila, pabango, essential oil, pet soap, fabric softener, laundry detergent, rattan basket, car diffuser, room at linen spray, bedsheet, mugs, T-shirt, pot holder at bags. 

Mayroon ding cashew nuts, banana chips, cashew cookies, cashew butter, camote chips, araro cookies, ginger brew, honey, chili oil, vinegar, mixed nuts, coated peanuts, fried peanuts, corn mix, garlic chips, honey, turmeric tea, ginger tea, pepper, atsuete seeds, wild honey, coffee, squash bread, araro, ube overload, ube buttercream, buttermilk toast at icecream.

Kabilang din sa mga itinitinda ang salted egg, balut, pasta, pickled radish, pickled green chili, chili sauce, curry leaves, pastillas, cupcakes, araro lengua de gatobanana chips, polvoron, cookie balls, butter cookies, toasted mamon bites, sweet potato chips, taro chips at mussel chips. 

Hindi mawawala ang isdang tuyo, daing at tinapa at bagoong.   Mabibili rin ang tuna in a jar, gulay, prutas, kropek, cassava chips, cashew butter, papaya atsara, cashew polvoron, cashew brownies, pastillas, garlic peanuts, cashew butter, pili nuts, buko pie, buko juice at iba pa. 

Magwawakas ang pagdiriwang ng Cooperative Month sa Biyernes sa pamamagitan ng isang programa sa Bataan People’s Center sa Lungsod ng Balanga.   

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here