Ipinapanukala pa lamang ang rehabilitasyon sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay marami na ang nagrereklamo.
Sabi ng mga ‘manghuhula’ malaki ang posibilidad na gawing “ATM” iyon para sa corruption.
Isa sa mga unang nagreklamo laban sa rehabilitasyon ng BNPP ay ang mga dalubhasa kabilang ang kilalang scientist na si Dr. Kelvin Rodolfo.
Kasi naman, ginamit sa executive summary ang kanilang ginawang pag-aaral, pero mali ang pagkakagamit.
Sabi ng mga Bulakenyo, mukhang pati kalikasan at mga lamang dagat ay tutol sa rehabilitasyon ng BNPP.
Dahil daw sa maging mga melon headed whales ay “nagsipag-rally” sa baybayin ng Bataan noong nakaraang linggo. Of all places nga naman.
Para daw nagpapahiwatig ng pagtutol ang daan-daang melon headed whales ng pagtutol sa BNPP dahil kung sakaling magsiimula ang operasyon non ay baka mga lamang dagat ang maapektuhan.
Pero ang pinaka-klasiko ay ang balita hinggil sa plano ng isang kongresista na paimbestigahan ang biglang paglitaw ng mga melon headed whales sa baybayin ng Bataan.
Sabi ng kapitbahay ko, mahihirapan ang mga kongresista sa imbestigasyon.
Kailangan daw ng interpreter para sa testimonya ng mga mga melon headed whales.
Hindi pa rin malaman kung saan tutungo ang imbestigasyon ng Senado sa Fertilizer Scam na kinasasangkutan ni Joc-Joc Bolante.
Pero ang malinaw, mukhang magiging isa na namang joke ang nasabing imbestigasyon.
May pangamba rin ang marami sa stimulus package na inihahanda ng gobyerno, dahil baka daw mapunta na naman sa corruption ang pera.
Kung matutuloy ang plano para sa agrikultura, nakatitiyak ang marami na wala ng susunod na fertilizer scam sa stimulus package. Ang tututukan kasi ng Department of Agriculture ay organic farming na.
Matagumapay ang isinagawang Human Rights Reporting workshop na pinangunahan ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) sa Cebu City mula February 12 hanggang 15.
Kaso, katulad ng dati, gipit sa oras ang lahat ng dumalo. Instensibo ang nasabing workshop, kaya’t ‘dinugo’ ang ilong ni Sir Joey Aguilar ng Punto Central Luzon noong Sabado.
Dahil sa intensibo ang nasabing workshop, halos mawala sa sarili ang ilang dumalo hanggang sa pag-uwi noong Linggo.
Isa halimbawa ay si Sir Joey Aguilar, na muntik ng maiwan sa Mactan-Cebu International Airport ang kanyang bag na ipinasok sa x-ray. Galante lang daw siya.
Masaya ang mga nagsidalo sa nasabing workshop lalo ng dumating noong Sabado ng tanghali ang tatlong puting rosas para kay Melanie Pinlac, isang staff ng CMFR.
Happy Valentines talaga!
Naging makabuluhan ang nasabing workshop sa mga nagsidalo dahil sa dumalo rin si Alexander Adonis, ang broadcaster sa Davao City na nakulong sa loob ng dalawang taon dahil sa kasong libel na isinampa laban sa kanya ni House Speaker Prospero Nograles.
Nakalaya na noong bago magpasko si Adonis, pero hindi siya dumalo sa inihandang press conference kung saan ay hiniling ng ilang mamamahayag na yakapin niya si Nograles. Sabi ni Adonis, “yakapin? Niyakap ko na yung bato at rehas” sa Davao Penal Colony.
Simple lang ang pinagmulan ng kaso ni Adonis. Binasa lang niya ang balitang lumabas sa isang pahayagan na nagsasabing nahuli si Nograles ang babaeng kasama niya ng mister ng babeng kasama niya sa isang hotel sa Maynila.
Grabe di ba? Binasala lang niya ang istorya ng burlesque king sa radyo, siya pa ang nakulong.