Home Headlines Bataan niyanig ng lindol

Bataan niyanig ng lindol

604
0
SHARE

SAMAL, Bataan: Naramdaman sa maraming panig ng Bataan ang lindol na nagrehistro ng 6.3 magnitude sa Calatagan, Batangas bandang alas-10:19 ng umaga nitong Huwebes. 

Sinabi ni Gov. Jose Enrique Garcia 3rd na wala namang naidulot na pinsala sa 11 bayan at isang lungsod sa Bataan  ang lindol na yumanig sa lalawigan sa pag-itan ng Intensity III at IV ngunit patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat at maging alerto sa mga aftershock.

Batay sa instrumental intensities, nagtala ng Intensity IV sa Abucay at Intensity III sa Dinalupihan, parehong bayan sa Bataan.

“Nawa’y gabayan tayo ng ating Panginoon,” samo ng governor.

Sa Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Samal, saglit na sumayaw ang tubo ng antenna ng television at agad naglabasan ang mga tao sa loob ng barangay hall nang magsimula ang lindol. Magkatabi lamang ang Samal at Abucay.

Napatakbo rin palabas  ng bahay sina Aurea Fabricante, Janice Juaman at Barangay Health Worker na si Bebot Vinzon sa una pa lamang pagyanig. 

Nagulat naman si Romulo Cosme ng Sta. Lucia nang magkalampagan ang mga nakabiting lutuan at iba pang gamit sa kanilang kusina. Napasigaw pa ito ng “ang lakas ng lindol!”

Nabigla ang mga mag-aaral at guro sa AG Llamas Elementary School sa Mariveles, Bataan nang biglang lumindol kaya agad ginabayan ang mga bata sa paglabas sa mga classroom.

“Nabigla kami. Basta ang naisip ko lang makalabas kami ng room ng payapa at maayos. May earthquake drill kami kaya sanay na rin ang mga bata,”  sabi ni Grade I Teacher Zenaida Sanchez. (30) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here