Home Headlines Bataan nakatanggap ng AstraZeneca

Bataan nakatanggap ng AstraZeneca

549
0
SHARE

Bataan Peoples Center ang takdang mass vaccination area para sa lalawigan. Kuha ni Ernie Esconde



LUNGSOD
NG BALANGA — Bukod sa Sinovac, nakatanggap rin ang Bataan ng bakunang AstraZeneca na sinasabing kauna-unahan sa Gitnang Luzon na idineliver ng Department of Health nitong Martes.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia na ang dumating ay 142 vial ng AstraZeneca na ang bawat vial ay may 10 doses at may kabuuang bilang na 1,420 doses.

Ang nasabing bakuna ay gagamitin para sa mga medical frontliners ng Bataan General Hospital and Medical Center sa Balanga City, Mariveles District Hospital, Dinalupihan District Hospital, at iba pang pampublikong ospital sa lalawigan.

Noong Sabado ay dumating ang 417 doses ng Sinovac at nagsagawa ng ceremonial vaccination sa mga opisyal ng BGHMC noong Lunes. Sumunod dito ang pagbabakuna sa iba pang mga medical health workers.

Ang pagbabakuna ay ginaganap sa Bataan People’s Center sa Capitol compound na itinakdang mass vaccination area ng lalawigan.

Ikinagagalak ng inyong lingkod ang malugod at walang alinlangang pagtanggap ng ating mga medical frontliners sa bakunang unang dumating sa ating lalawigan. Ang ibig sabihin nito ay nauunawaan nila ang kahalagahan nito para sa kanilang kaligtasan at ng kanilang buong pamilya,” sabi ni Garcia.

Ayon sa governor, may 5,000 medical frontliners sa Bataan at inaasahan niyang darating din agad ang kakulangang bakuna hindi lamang para sa mga medical health workers kundi maging sa iba pang sektor.

Muli kong hinihimok ang mga kapwa ko Bataeño na makiisa upang malubos natin ang kapakinabangan ng oportunidad na ito. Napatunayan ng mga duktor at eksperto na ang bakuna ay ligtas at epektibo upang tuluyan nang mapuksa ang pandemya,” pahayag pa ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here