Home Headlines Bataan LGU tumanggap ng 8 bagong sasakyan

Bataan LGU tumanggap ng 8 bagong sasakyan

663
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga: Tumanggap ang Bataan provincial government ng walong bagong sasakyan nitong Martes, July 12, bilang insentibo sa pagkakagawad sa lalawigan taon-taon sa loob ng sunod-sunod na limang taon ng Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ang SGLG ay sumasagisag sa integridad at magandang performance ng isang local government unit.

Ang mga multicab ay kaloob ng  Department of the Interior and Local Government na tinanggap ni Gov. Jose Enrique Garcia 3rd sa isang simpleng seremonya sa Bataan capitol ground. 

Ang mga sasakyan ay ipagkakaloob sa mga barangay na nakatapos ng kanilang Barangay Development masterplan

“Sa tulong ng detalyado at konkretong pagpaplano ng bawat proyekto na inilulunsad sa barangay at mga mamamayan, maaari nating matukoy ang mga aspetong kailangang paigtingin sa bawat bayan at barangay,” sabi ng governor. 

“Maraming salamat  sa mga punong barangay at opisyal sa kanilang patuloy na pakikiisa sa pagbuo ng kanilang mga master development plan para sa ikabubuti ng bawat Bataeño,” dagdag ni Garcia. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here