Home Headlines Bataan isinailalim sa State of Calamity

Bataan isinailalim sa State of Calamity

269
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga: Isinailalim sa State of Calamity ang buong lalawigan ng Bataan simula ika-23 ng Hulyo dahil sa mga natamong pinsala dulot ng patuloy na pag-ulan at malakas na hanging bunsod ng habagat dala ng bagyong Crising, Dante at Emong.

Ginawa ang deklarasyon ni Gov. Jose Enrique Garcia upang lalo pang pabilisin ang tulong ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Ibinatay ng governor ang kanyang utos sa report ng Weather Advisory #33 ng PAGASA na patuloy pa ring makararanas ng bugso-bugsong pag-ulan ang buong Lalawigan na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Nakamonitor naman unano ang mga tanggapan ng pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan ng mga kababayan.

“Muli, hinihingi ko po ang inyong pakikiisa lalo na sa paglikas sa inyong lugar sa sandaling kayo ay malagay sa peligro. Dalangin po ng inyong lingkod ang kaligtasan ng bawat pamilyang Bataeño. Ibayong pag-iingat po sa lahat at gabayan nawa tayo ng ating Panginoon,” sabi ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here