Home Headlines Bataan handa nang magsagawa ng sariling Covid-19 testing

Bataan handa nang magsagawa ng sariling Covid-19 testing

752
0
SHARE

Ang testing machine. Kuha ni Ernie Esconde



LUNGSOD
NG BALANGA — Iniulat nitong Martes ni Gov. Albert Garcia na handa nang magsagawa ang Bataan ng testing para sa coronavirus disease matapos mabigyan ng lisensiya para mag-operate sa GeneXpert machine Rapid PCR o polymerase chain reaction testing.

May kakayahan na ang ating lalawigan upang makapagsagawa ng Covid-19 testing sa loob lamang ng isa hanggang dalawang  oras sa pamamagitan ng GeneXpert machine na natanggap kamakailan ng Bataan General Hospital and Medical Center mula sa Department of Health,” sabi ng governor.

Minabuti din, aniya, ng BGHMC, isang government-run hospital sa lungsod na ito, na magdagdag ng isa pang katulad na makina na inaasahang darating sa ikalawang linggo ng buwang ito.

Kasabay umano ng pagkakaloob ng lisensiya ay natapos naman ang pagsasanay ng mga tauhan ng nasabing ospital sa paggamit ng makina na tinatayang may 95 – 97 percent accuracy result.

Batay sa ulat ng mga opisyales ng BGHMC, mahalaga ang GeneXpert test para sa mga emergency cases upang mas madaling matukoy kung ang pasyente ay nararapat na i-isolate sa karamihan o i-admit sa ospital na designated as exclusive Covid-19 facility.

Hindi na kailangan maghintay nang matagal ang pasyente bago niya malaman ang resulta ng kanyang test at maaari na lamang siyang mamalagi sa loob ng triage area ng ospital upang malaman ang susunod na hakbangin ng kanyang doktor,” sabi ni Garcia.

May kasama umanong 600 testing kits ang GeneXpert machine galing sa DOH.

Ang GeneXpert machine ay bahagi ng testing facility sa Lungsod ng Balanga na tatawaging 1Bataan-BGHMC PCR Laboratory, sabi ng governor.

Ayon pa kay Garcia, nauna nang nakapagtalaga ng isang quantitative polymerase chain reaction o QPCR at isang real time o RT-PCR machine para dito atkasalukuyan ay hinihintay na lamang na mailapat ang negative pressure system sa laboratoryo bago mabigyan ng ganap na accreditation mula sa mga kinauukulan.

Kapag fully-operational na ang 1Bataan-BGHMC PCR Laboratory, kasama ang kakayahan ng GeneXpert, maaari nang magsagawa ng humigit-kumulang sa 350 testing sa isang araw sa ating lalawigan,” sabi ng governor.

Bukod dito, aniya, katulong din  sa pagsasagawa ng expanded testing sa Bataan ang mga laboratoryo ng Philippine Red Cross at Jose B. Lingad Memorial Hospital  sa bisa ng isang memorandum of agreement na nilagdaan na.

Ginagagawa ng ating panlalawigang pamahalaan ang lahat ng ating makakaya dahil naniniwala ang inyong lingkod na ang mas malawak na kakayahan para sa expanded testing at mahusay na contact-tracing ang magiging susi sa tuluyang pagpuksa sa Covid19 sa lalong madaling panahon,” sabi ni Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here