Home Headlines Bataan: Covid vax rollout simula Lunes

Bataan: Covid vax rollout simula Lunes

802
0
SHARE

Gov. Albert Garcia



LUNGSOD
NG BALANGA — Magsisimula na sa Lunes, ika-8 ng Marso, ang pagbabakuna sa Bataan laban sa coronavirus disease matapos dumating nitong Sabado ang mga CoronaVac mula sa Department of Health.

Magandang balita ito para sa ating mga kababayan. Dumating na sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) kaninang umaga, ika-6 ng Marso, ang mga bakuna kontra Covid-19 na gagamitin para sa ating mga healthcare workers,” sabi ni Gov. Albert GArcia.

Dumating, aniya, ang 417 doses ng CoronaVac mula sa 2,680 doses na inilaan sa lalawigan ng national government na ang kakulangan ay darating sa susunod na mga araw.

Sa Lunes, ika-8 ng Marso, ay uumpisahan na ang pagbabakuna sa mga medical frontliners mula sa BGHMC at iba pang mga pampublikong hospital dito sa Bataan. Inaasahan na tuluy-tuloy na ang ating programa sa pagbabakuna na magbibigay ng proteksyon hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa kaligtasan na rin ng ating pamilya,” pahayag ng governor.

“Sa pamamagitan ng bakunang ito, mabibigyan na ng proteksiyon ang ating mga doctor at nurses laban sa Covid19 upang maibsan ang kanilang pangambang mahawa habang ginagampanan ang kanilang tungkulin,” dagdag pa nito.

Ginagawa ng provincial government, ani governor, ang lahat ng makakaya upang mabigyan ng ligtas na pagbabakuna ang bawat mamamayan ng Bataan.

Muli, hinihingi ko ang inyong pakikiisa na ating magiging susi upang tuluyan na nating makamit ang ating pinakamimithing layunin na wakasan ang krisis na dulot ng Covid19,” sabi ni governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here