Home Headlines Bataan binayo ng ulan

Bataan binayo ng ulan

549
0
SHARE
Baha sa Ipag, Mariveles. Kuha ni punong barangay Rod Luyo

LUNGSOD NG BALANGA — Pasado alas-3 ng hapon nitong Sabado nagsimulang bayuhin ng malakas na ulan ang malaking bahagi ng Bataan samantalang ilang barangay sa Mariveles ang binaha.

Noong umaga hanggang tanghali ay pabugso-bugsong mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan lamang ang nararanasan ng mga bayan sa lalawigan ngunit pagsapit ng bandang alas-3:10 ng hapon, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Malakas ang ulan sa Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Pilar, Orion, Limay at Mariveles. Hindi naman masyadong nagtagal ang malakas na ulan ngunit nananatiling madilim ang paligid.

Sa Mariveles, sinabi ni Rod Luyo, chairman ng Barangay Ipag, na umabot ng mula tuhod hanggang beywang ang lalim ng tubig baha sa Purok 2, 3, 4, 5, at 6 kaya silang mga barangay officials ay agad rumisponde.

Wala naman, aniyang, lumikas na mga residente sapagka’t nasanay na ang mga ito sa baha at pumupunta na lamang sa mataas na bahagi ng kanilang bahay o kapitbahay. Ganoon pa man, sabi ni Luyo, nakahanda naman ang mga evacuation center kung kinakailangan.

Ayon naman kay kagawad Rene Cruz, napakalakas ng tubig galing sa bundok na bumaba sa kanilang mga ilog na umapaw at rumagasa sa bahagi ng kanilang barangay.

Sinabi nina Luyo at Cruz na patuloy silang nakaantabay kasama ang iba pang mga
tauhan ng barangay at bayan sa pamumuno ni Mayor Ace Jello Concepcion.
May report na may iba pang barangay sa Mariveles ang naapektuhan din ng flash
flood.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here