LUNGSOD NG OLONGAPO – Sa edad na 16-anyos, maagang winakasan ng isang teenager ang kanyang buhay ng magpasya itong magbigti sa isang abandonadong bahay sa La Union St., Barangay Barretto, dito.
Alas 5 ng hapon ng makitang nakabitin at wala ng buhay ang biktima ng isang construction worker na si Jaymer Colon ng ito ay magtungo sa abandonadong bahay para umihi.
Sa imbestigasyon ng Police Station 6, ang biktima ay nagsimulang maglayas sa kanilang bahay mula pa noong August 2010 at magmula noon ay hindi na nagpakita pa sa kanyang magulang.
Nabatid pa na bago naganap ang pagpapatiwakal ng biktima ay hinanap pa umano nito ang kanyang magulang noong gabi, subalit nabigo nitong makita.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), kumot ang ginamit ng biktima sa kanyang pagpapatiwakal.
Halos himatayin naman sa kaka-iyak si Aling Myla, ang magulang ng biktima ng makita ang sinapit ng kanyang anak.
Nagpasya naman ang mga magulang ng biktima na isailalim sa Autopsy ang bankay ng anak para makatiyak na walang naganap na “foul play” dito.