Bastos na direktor sinugod ni Kuya Germs

    595
    0
    SHARE
    Kalat na kalat, pinag-uusapan sa buong showbiz at kasali na rito ang edition ng Paparazzi ng tv5 noong Linggo. Tinalakay ng programa ang balitang sinugod ni Kuya Germs si Andoy Ranay dahil sa bastos na komento nito na isinali pati na pagkatao ni Kuya Germs.

    “Nakita ni direk Andoy yung di niya dapat makita kay Kuya Germs. Siguro ngayon, natauhan na ang maratay pero bastos na direktor na ito,”sabi pa ng isa naming nakausap.

    Ganito raw kasi ang nangyari. Nagte-taping daw si Andoy Ranay ng isang eksena at ang artista nga ay si Jake Vargas.  Paulit-ulit daw yata’ng take kaya hindi nasiyahan si Andoy. Sukat daw ba naming nagtatalak ang bastos na director at sinigawan si Jake nang ganito.  “Sabi ko na kasi, huwag magpupuyat, ‘wag magpapatsupa kay Kuya Germs kung may taping kinabukasan. Paulit-ulit daw ang linyang ito si Direk.

    Halata raw na-shock si Jake. Pero hindi na kumibo. Ni wala raw balak sana si Jake na isumbong pa kay Kuya Germs ang nangyari. Pero yung mga kasamahang alalay ni Jake ang nagsumbong kay Kuya Germs. Sukat doon, nagpanting ang tenga ni Kuya Germs at sinugod si direk.

    Kung kami’ng tatanugnin, mali talaga’ng Andoy Ranay na ito. Sige na, magaling nga siyang director, pero wala siya sa katuwiran. Hindi niya dapat pinersonal si Jake dahil napahiya’ng bata. Sa rami ng tao sa taping, kahit sino naman ay mapapahiya.

    More or less, maraming press ang kumondena sa ginawa ng bastos na dirtektor na ito. Even the people of Paparazzi are one saying na mali ang bastos na  andoy Ranay. Puwede raw niyang pagalitan ang mga artista niya kung hindi makapag-deliver. Pero, para naman bastusin ay ibang usapan na yun.

    Sa ngayon, this is already, we are sure, under the investigation of GMA execs. Alam namin Kuya Germs will never leave a stone unturned para hindi pagbayarin ni direk Andoy ang kabastusan niya.

    Oo nga naman, kung kami ang mga GMA execs, dapat na sigurong sibakin na sa GMA 7 ang bastos na direktor na ito.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here