Bastos daw ang manager ni Carla Abellana?

    536
    0
    SHARE

    May sagot na ang Regal Films sa isyung hinaharangan nito ang pagpo-promote si Carla Abellana para sa pelikula ni Gov. ER Ejercito. Lumalabas nga naman kasing si Mother Lily pa ang humaharang gayung talent naman niya si Carla kung bakit hinaharang nga niya ito.

    Narito ang salita ng isang tao sa kampo ni Mother Lily hinggil sa naturang isyu.

    “Respeto lang naman ang hinihingi ni Mother Lily kay Carla Abellana at sa manager nitong si Arnold Vegafria nang gawin nila ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Governor ER Ejercito.

    As far as we know, walang option si Carla na gumawa ng movie outside Regal dahil exclusive ang contract na pinirmahan niya. But still, ginawa pa rin nito ang movie nang hindi man lang sila nagpapaalam kina Mother Lily at Roselle Monteverde, huh! Tapos na niyang gawin ang movie nang makarating ito sa mag-ina.

    Sa totoo lang, hindi naman mahirap kausapin si Mother. Pinayagan nga niyang ipahiram si Marian Rivera sa Panday 2 entry ni Sen. Bong Revilla. Basta ipagpaalam lang nang maayos ang paghiram at never na haharangin ’yon ng Regal producer,” mahabang paliwanag ng aming kausap.

    Heto ngayon at ginagawang isyu ang diumano’y pagharang ng Regal kay Carla upang i-promote ang entry ni Gov. ER.

    Hindi naman daw ugali ni Mother na mang-ipit ng artista. It so happened lang na may movie rin sa filmfest si Carla, ang Yesterday Today Tomorrow. Siyempre, may conflict of interest nga naman ’yan. Hindi naman extra lang ang role ng young actress sa YTT, huh!

    Nabanggit din ang talent fee na binayad kay Carla. Hindi naman ’yon ang isyu kungdi ang kawalan ng respeto sa tao at kumpanyang unang nagbigay ng acting break niya sa telebisyon. Eh, kung hindi naman sa Regal, hindi makakatanggap si Carla at manager nito ng times 3 na bayad sa kanya sa movie, huh!

    It’s a matter of gratitude. Courtesy. Huwag magsinungaling si Carla at manager niya na puwede silang makagawa ng movie sa labas ng Regal. The last to know ang Regal sa ginawa nila. So, masisisi ba nila si Mother Lily kung magalit ito sa ginawa nila?

    Nang sumabog ang isyung ito, personal na tinatawagan ni Mother Lily si Gov. ER upang sabihing hindi siya galit sa gobernardor. Katabi ni Mother si Girlie Rodis habang kausap niya ito.

    “It’s a non-issue. Hindi sanay ang Regal sa ganyang controversies para lang kumita ang movie. I’ve talked to Governor and na-settle na namin ang isyu. Nilinaw kong wala siyang kasalanan sa nangyari. Hindi naman siguro ako masisisi kung magalit ako kay Carla at sa manager niya. Let’s just put an end to this non-issue!” paliwanag ni Mother Lily sa amin.

    Malinaw ba na si Mother Lily pa’ng binastos ni Carla Abellana?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here