SA INTERVIEW ni Vice Ganda sa The Buzz kahapon, June 29 ay dininay niya na nagkabalikan na sila ng basketeer niyang boyfriend.
“Wala akong nakabalikan. Basta masaya lang ako. Masayang-masaya ang buhay ko,”sabi ni Vice.
Kung hindi sila nagkabalikan ng dati niyang boyfriend,may bago na ba siyang minamahal ngayon?
“Basta masaya. Mas gusto kong maging private ngayon. “Kasi naranasan ko talaga nung mga nakalipas na taon, pinilit ko maging private pero hindi pa rin kami nakaligtas. Ang dami pa ring nangyari.
“Mas gusto ko na talagang manahimik,”diin pa ni Vice. Siniguro naman ni Vice sa kanyang mga tagahanga na okey na okey na siya ngayon pagatapos ng pinagdaanan niyang hindi maganda tungkol sa kanyang lovelife.
“Basta gusto ko lang ang alam nila masaya ako para masaya rin sila. I am so happy with all the people around me,” aniya pa. Samantala, sinamantala na rin ni Vice na magbigay ng reaksyon sa mga kumukwestiyon sa pelikula niyang Praybet Benjamin2 kung bakit daw ito napasama bilang isa sa walong entries sa darating na 2014 Metro Manila Film Festival.
“Lahat naman ng pelikula namin na-bash pero ano bang nangyari? Taontaon kami naman ang highest grossing film.
We are blessed. We should be very thankful.” “Yung tanong nila kung bakit pinasok ang Praybeyt Benjamin, hindi kami ang makakasagot niyan. Ang makakasagot niyan ‘yung mga opisyales na namili. Kung magse-self defense ako, parang pangit pakinggan. Ang dapat mag-explain niyan ay MMDA kasi sila ang pumili,”pagtatapos ni Vice.