Baseless accusations

    567
    0
    SHARE
    KUNG WALANG basehan itong akusasyon
    ng isang frustrated na tumakbong mayor
    laban sa incumbent na dati ng Champion,
    Vice Mayor Halili’t eleven Councilors

    Hindi simpleng kaso itong nakatakdang
    haharapin nito sa ating Hukuman;
    Kung saan ‘58 counts’ ang kabuoan
    nitong libel case na isinampa na r’yan

    Kontra sa naturang tumakbong Alkalde
    Na si Pyra Lucas, (who is accordingly
    Used to say she is close to Digong Duterte)
    Kung kaya malakas ang loob magsabi?

    Na diumano’y mga magnanakaw sina
    City Mayor Boking Morales at saka
    si VM Halili at ang labing isa,
    na City Councilors – kaya’t kinasuhan na?

    At kung saan liban sa siya’y dineklarang
    “persona non-grata” sa Mabalacat yan,
    Php 5,000,000.00 ang kailangang bayaran
    ni Lucas sa bawat ‘count’ ng pagkasakdal

    Bilang danyos n’yan sa paninirang puri
    kina Mayor Morales, VM Halili,
    at sa labing isang Konsehal din pati;
    (Aywan lang kung siya’y di mamumulubi).

    Ang patuloy na pagpaskil ni Mam Lucas
    sa Facebook ng mga malisyosong ulat,
    hinggil nga riyan sa City of Mabalacat,
    Ang kina Morales ang bale nagtulak

    Upang kasuhan na nga itong frustrated
    na maging City Mam, once she got elected;
    Kaya lang, as she didn’t even placed as third,
    It’s quite vague for Lucas to get what she wanted!

    Kaya hayan at ng sanhi na rin nito,
    si Pyra Lucas ang sa sarili mismo
    ang sumira bale kung kaya na-“endo”
    pati residensya n’yan sa lungsod na ito?

    Sa isang ‘prescon’ na ginanap sa siyudad
    nitong nakaraang Huwebes, iniulat
    ni VM Halili na itong si Lucas,
    na nagsasabing siya’y taga Mabalacat,

    She can no longer claim as “concerned citizen”
    Of the City as she threw her hat, as she then
    Ran for City Mayor versus the three of them,
    Where she lost and place fourth; – so she can no longer

    Claim for self as concerned citizen ng lugar
    sanhi ng siya’y isa na ngang politician;
    Gaya ng pagtakbo nitong nakaraang
    halalan – (at baka sa iba pang araw).

    Kaya nga’t marahil sadyang ninanais
    ni Pyra Lucas na parehong maalis
    si Boking at Christian upang siya’ng pumalit,
    sukdang ang sarili malagay sa gipit?

    Gaya ng siraan nga niya at sukat
    ang city officials ng nasabing siyudad;
    At kung saan ‘posted’ ang ‘undesirable act’
    ni Lucas sa kanyang Facebook ang di dapat?

    Di ko ninanais panigan si Boking,
    si Christian o maging itong City Council,
    ‘But at the outset’ ay masasabi nating
    Madam Pyra Lucas will surely gain nothing!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here