Ngayong maglalaban uli sina Among
At Madam Lilia sa pagka-gobernador
Posible pa kayang muling mangibabaw
Si Gob Ed Panlilio sa anak ng Lubao?
(Na kumare’t matalik na kaibigan
Ng Pangulo… at ang gobernador naman
Ay isa – kundi man mortal na kalaban –
Sa mga kritiko ni Mam Macapagal.)
At wala rin namang lubhang pinagbago
Sa dating tugtugin ang ‘rematch’ na ito,
Liban lang sa di na muli pang pagtakbo
Ng ibang takot nang lumaban siguro.
At matututukan na ng husto ngayon
Ng Pangulo ang pisikal na pagtulong
Kay Pineda, kahit sa buong maghapon
Pagkat di na kasing lawak gaya noon
Ang mga lugar na kailangang puntahan
Ng isang gaya niya na pang-‘presidential’
Ang posisyong habol noong nakaraan,
Kaya di gaano nitong natulungan.
Kampante rin naman si Ginang Arroyo,
Na siya ang pihong sa kanyang distrito
Ang mahahalal na Kinatawan mismo,
Kaya di na dapat mangampanya ito.
At ang panahon na kanyang gugugulin
Para sa sarili, baka ilaan din
Sa kanyang kumare upang manalo rin,
Na di imposibleng makakayang gawin.
Kaya sa puntong yan natin masusubok
Kung may asim pa kumbaga sa sampalok
Ang dating sa tao ng karisma ni Gob,
Na s’yang kina Mark at Lilia nagpataob!
At di ang ‘vote buying’ na ibinibintang
Kung kaya nanalo si Among sa laban,
Gayong itong isa ang may kakayahang
Mamili ng boto noong nakaraan.
At kahit ngayon ay anong ibubuga
Ni Among sa isang gaya ni Pineda,
Na ang halos lahat na ng makinarya
Ay nasa kamay n’yan, liban sa suporta
At personal na pag-indorso ni Gloria
Sa mga Alkalde dito sa Pampanga?
(Na naniniwalang ang buong probinsya
Ay makikinabang kapag nanalo siya!)
Puera na lang kung ang tao’y di titingin
Sa pera ng ating umano’y ‘jueteng queen,’
Anong panlaban ng animo ay sisiw
Sa isang ika nga ay higanteng lawin?
Pero bunsod na rin ng tila sawa na
Ang mamamayan sa bulok na sistema,
Sa ganang sarili kong pag-analisa
Ay baka wala nang kakagat kay Gloria.
At posibleng gaya ng sinasabi r’yan
Ng ilang ‘analyst’ ang siyang iiral;
Na kung sino yata ang mamanukin n’yan
Ay siyang diumano ay hindi ihahalal?
Kaya’t di malayo na ang dating Pari
Ay siya pa rin itong muling magwawagi;
Kung ang kalakaran ay di na salapi,
Kundi ng konsensya at linis ng budhi!
At Madam Lilia sa pagka-gobernador
Posible pa kayang muling mangibabaw
Si Gob Ed Panlilio sa anak ng Lubao?
(Na kumare’t matalik na kaibigan
Ng Pangulo… at ang gobernador naman
Ay isa – kundi man mortal na kalaban –
Sa mga kritiko ni Mam Macapagal.)
At wala rin namang lubhang pinagbago
Sa dating tugtugin ang ‘rematch’ na ito,
Liban lang sa di na muli pang pagtakbo
Ng ibang takot nang lumaban siguro.
At matututukan na ng husto ngayon
Ng Pangulo ang pisikal na pagtulong
Kay Pineda, kahit sa buong maghapon
Pagkat di na kasing lawak gaya noon
Ang mga lugar na kailangang puntahan
Ng isang gaya niya na pang-‘presidential’
Ang posisyong habol noong nakaraan,
Kaya di gaano nitong natulungan.
Kampante rin naman si Ginang Arroyo,
Na siya ang pihong sa kanyang distrito
Ang mahahalal na Kinatawan mismo,
Kaya di na dapat mangampanya ito.
At ang panahon na kanyang gugugulin
Para sa sarili, baka ilaan din
Sa kanyang kumare upang manalo rin,
Na di imposibleng makakayang gawin.
Kaya sa puntong yan natin masusubok
Kung may asim pa kumbaga sa sampalok
Ang dating sa tao ng karisma ni Gob,
Na s’yang kina Mark at Lilia nagpataob!
At di ang ‘vote buying’ na ibinibintang
Kung kaya nanalo si Among sa laban,
Gayong itong isa ang may kakayahang
Mamili ng boto noong nakaraan.
At kahit ngayon ay anong ibubuga
Ni Among sa isang gaya ni Pineda,
Na ang halos lahat na ng makinarya
Ay nasa kamay n’yan, liban sa suporta
At personal na pag-indorso ni Gloria
Sa mga Alkalde dito sa Pampanga?
(Na naniniwalang ang buong probinsya
Ay makikinabang kapag nanalo siya!)
Puera na lang kung ang tao’y di titingin
Sa pera ng ating umano’y ‘jueteng queen,’
Anong panlaban ng animo ay sisiw
Sa isang ika nga ay higanteng lawin?
Pero bunsod na rin ng tila sawa na
Ang mamamayan sa bulok na sistema,
Sa ganang sarili kong pag-analisa
Ay baka wala nang kakagat kay Gloria.
At posibleng gaya ng sinasabi r’yan
Ng ilang ‘analyst’ ang siyang iiral;
Na kung sino yata ang mamanukin n’yan
Ay siyang diumano ay hindi ihahalal?
Kaya’t di malayo na ang dating Pari
Ay siya pa rin itong muling magwawagi;
Kung ang kalakaran ay di na salapi,
Kundi ng konsensya at linis ng budhi!