Home Headlines Basaan, yugyugan sa San Juan sa Samal

Basaan, yugyugan sa San Juan sa Samal

206
0
SHARE

SAMAL, Bataan: Basaan at umaatikabong yugyugan ang nasaksihan sa mga kalsada ng bayan ng Samal sa Bataan sa pagdiriwang ng Barangay San Juan ng kapistahan ni San Juan Bautista ngayong Lunes.

Nanguna sa parada ang karo kung saan sakay ang Imahen ni Saint John de Baptist na tinutugtugan ng banda.

Hindi lang sa loob ng barangay San Juan ginanap ang pagdiriwang  kundi maging sa mga karatig barangay man kung saan umikot ang maraming tao habang sumasayaw at nag-aanyaya  na basain sila.

Umaatungal ang maraming sound system na lulan ng mga sasakyan na sinasabayan ng yugyugan ng mga kalahok na tuwang-tuwa habang binabasa ng tubig galing sa hose, tabo o timba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here