Home Headlines Basaan at matinding yugyugan sa Samal at Dinalupihan

Basaan at matinding yugyugan sa Samal at Dinalupihan

568
0
SHARE
Basaan sa Dinalupihan gamit firetruck

Samal, Bataan: Basaan at matinding yuugyugan sa kalsada ang ginanap  bilang pagdiriwang sa pista ni San Juan Bautista sa Barangay San Juan sa bayang ito nitong  Sabado, June 24, 2023.

Nangunguna sa parada ang karo na kinalululanan ng Imahen ni San Juan na ang mga taong kasunod ay hindi nakaligtas sa pagkabasa dahil sinasabuyan sila ng tubig ng mga taong nasa gilid ng kalsada.

Grupo-grupo ang mga taong kalahok na may kanya-kanyang sinusundang sasakyan habang sumasayaw sa saliw ng nakakakiliting tugtugin mula sa mga sound system ng bawat sasakyan.

May isa pa ngang lalaki na tila hindi kabilang sa alinmang grupo ang mag-isang walang hinto sa pagsayaw.

Matinding yugyugan sa Samal

Habang nagyuyugyugan, may mga tao sa gilid ng kalsada na pasingit na sasabuyan sila ng tubig galing sa hose, balde o tabo. Ikinatutuwa pa ito ng mga kalahok dahil lumalapit pa sila sa nagbabasa sa kanila at humihiling na dagdagan pa ang pagbasa sa kanila.

Sa Dinalupihan, Bataan

Samantala, sa bayan ng Dinalupihan, masaya ring ipinagdiwang ang Tubig Festival  bilang paggunita sa  kapistahan ng patron saint ng bayan  na si San Juan  na dinaluhan ng maraming hindi magkamayaw na mga tao.

Nagsisigawan ang mga kalahok na tuwang-tuwa pa habang tinatamaan sila ng tubig mula sa firetruck at sa mga taong nakaabang sa gilid ng kalsada gamit ang spray gun, tabo, hose  at iba pang lalagyan ng tubig.

Hindi rin alintana ng mga street dancers ang pamamasa sa kanila at patuloy sila sa pagsayaw.

Siyempre, tampok ang Imahen ni San Juan Bautista lulan ng karo  sa masayang pagdiriwang.

Imahen ni San Juan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here