Baron Geisler nagwala sa hotel na tinutuluyan sa Bohol?

    373
    0
    SHARE
    Tama yung opinion ng iba, dapat na sigurong magpa-rehab itong si Baron Geisler dahil sa kanyang pagiging lasenggo.

    Hindi na kasi talaga tama na lagi na lang nasasangkot sa kung anik-anik na isyu ang aktor. Noong una, kami mismo ay panay ang salungat sa mga lumalabass about him, pero masyado nang sunod-sunod. Parang totoo na nga at hindi pang-come on lang ng mga projects na ginagawa niya.

    Nagsabi kami ng aming duda nang sampahan siya ng kaso ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila. Sabi namin, baka nagbigay naman ng motibo ang babae kaya nagawa yun ni Baron. You see, naniniwala naman kasi kaming kapag palay na ang lumapit sa manok, natural na tutukain na.

    Nang muling masangkot si Baron dun sa project nila ni Yasmien Kurdi, ganoon pa rin ang nagging reactiona namin. Baka nga nagbiro lang si Baron at masyadong sineryoso ni Yasmien.

    Nang pumasok ang tungko sa kanila ni Aljur sa Bohol, hindi na kami nagulat, sabi ko, gimik yun para pauutukin ang pelikulang ginagawa nina Aljur at Kris Bernal, at ginamit nga ang pagka-lasenggo ni Baron para may credence.

    But when the news came out na pinalayas nga sa tinutuluyang hotel sa Bohol si Barion dahil sa sobrang kalasingan, pinagsisira niya’ng mga gamit doon, yun na, naniniwal na kaming problema talaga itong si Baron.

    Mahusay siyang aktor pero kung hindi niya tutulungan ang kanyang sarili ay baka unti-unti siyang mawalan ng proyekto.

    Marami nang gulong kinasangkutan si Baron at hindi ito nakakatulong sa kanya kundi mas nakakasira pa.

    Direk Maryo, ayusin mo yang alaga mo!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here