Baron Geisler isinusuka na ng dati niyang direktor

    280
    0
    SHARE
    Nagbigay ng reaksyon ang director na si Malu Sevilla tungkol sa ngayon ay rehabilitation program ni Baron Geisler. Ayon sa direktor ay mabuti naman daw kung ganu’n.

    Matatandaang si Direk Malou ang direktor ng Noah kung saan nangyari ang kontrobersyal na insidente involving Baron and Cherry Pie Picache na nagresulta sa pagkakatanggal ng aktor sa serye at sa pagba-ban sa kanya ng PAMI na makatrabaho ang mga hina-handle na artista ng mga managers na miyembro nito.

    Ayon kay Direk Malou, ang pagpasok ni Baron sa rehab ay makakabuti para sa aktor at ipinagdadasal daw niya ang tuluyang paggaling nito.

    Humingi naman daw ng apology sa kanya si Baron dahil sa nangyari pero hindi na niya nasagot pa dahil pinoproseso pa raw niya ang nangyari.

    Pero kung si Direk Malou ang tatanungin, ayaw na raw muna niyang makatrabaho si Baron kahit pa lumabas na ito ng rehab.

    “Kasi he grew up with me, eh. So, I’m thinking na baka there’s a tendency that he’ll do it again kasi alam niya, ako ’yun, eh, I keep forgiving him all the time. Baka ibang direktor na lang, kasi sa akin, baka wala na siyang respeto.”

    Si Direk Malou ang nagsimula kay Baron dahil siya ang direktor ng Tabing Ilog noon na as we all know ay isa sa matatagumpay na programa ng ABS-CBN.

    Pero hindi naman daw niya sinasabing ayaw na niyang makatrabaho forever si Baron.

    “Ayaw ko muna sa ngayon, hangga’t hindi niya siguro naaayos ang sarili niya. Sabi ko nga, siguro, iba munang direktor ang dapat. Kasi, jaded na, eh, dinaanan ko na lahat ’yan sa kanya, nung Tabing Ilog days, so baka hindi rin tama ’yung handling ko sa kanya,” pahayag pa ng direktora.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here