Baron Geisler ipakukulong ni Yasmien Kurdi

    356
    0
    SHARE
    Kontrabida ang role ni Yasmien Kurdi sa Grazilda. She already played lead roles in soaps like “Pasan Ko ang Daigdig” and “Babangon Ako’t Dudurugin Kita,” pero heto na ngayon, kontra na siya . “Actually, choice niya yun,” sabi ng manager niyang si Lolit Solis. “Sabi ko sa kanya, ba’t ka magkokontra eh napatunayan mo nang kaya mong magbida na nagre-rate naman. Sabi niya, ayaw na raw niyang siya ‘yung nagdadala ng show sa mga balikat niya kasi masyado siyang nape-pressure. Mas gusto raw niya’  yung suporta na lang siya para hindi siya nate-tension kung magre-rate ba ang show o hindi. Eh, ayan, nag-enjoy ang lukaret sa pagkokontrabida as Glaiza de Castro’s evil stepsister in ‘Grazilda’, kaya okay lang daw talaga sa kanya to play supporting roles ngayon. Enjoy rin siyang katrabaho si Cherie Gil as her mom in the show dahil marami raw siyang natututuhan dito on how to play a classy kontrabida.”

    She says she takes her hat off when it comes to Yasmien’s dedication to her studies. “Talagang kahit pagod sa taping, pumapasok siya sa school kasi determined siyang makatapos. She has now shifted to nursing. Dati, ang pangarap niya, maging diplomat or ambassador kaya international studies ang kinukuha niya. Pero nang magkasakit ang madir niya at inalagaan niya ito, du’n niya na-realize na mas gusto niyang maging nurse para raw may I take care siya sa nanay niya kapag gurangski na ito. O, di ba mapupuri mo rin siya dahil sa pagiging mabait na anak. Pero fighter ‘yan kasi yung demanda niyang sexual harassment kay Baron Geisler, talagang itinutuloy niya. She even goes to the hearings herself. She really wants to give him daw a lesson.”

    Talaga nga kasing palang palaban si Yasmien Kurdi sa kasong isinampa niya against Baron Geisler. Ang buong akala namin noon ay naayos na ‘yan ng management ng GMA7 dahil pinakiusapan nila noon si Yasmien na iurong na ang demanda laban kay Baron.

    At ang balita ay pinaki-usapan din siya ng manager ni Baron.

    ‘Yon pala  nananahimik  lang si Yasmien, pero tuloy ang demanda.

    Ngayon, sinasabi ni Yasmien na itinutuloy niya ang inihaing  demanda hindi lang para sa kanyang sarili kung ‘di para matigil na rin ang mga nangyayaring ganyang pambabastos sa kababaihan at nang wala nang ibang maging biktima si Baron.

    Ipinagdidiinan ng aktres na determinado siyang ipakulong si Baron para mabigyan ito ng leksyon sa mga kalokohan against women.

    Bago kasi si Yasmien, nademanda na rin ng ganyang kaso si Baron ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila,pero wala rin naman yatang nangyari  dahil tila ‘naareglo’ ang  kaso.

    Months ago lang ay  may-roon na namang balita na may nangyari rin o inabuso rin ni Baron si Julia Clarete.  Kumalat sa showbiz world ang ‘pang-aabuso’ na naman ni Baron, pero hindi na pinalaki ni Julia ang usapan at hindi na rin siya nagdemanda.

    Pero si Yasmien, mukhang desididong talagang  ipaglaban ang kanyang karapatan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here