M/V PRC Amazing Grace. Contributed photo
SUBIC BAY FREEPORT — Naglayag na ngayong Miyerkules patungong Catanduanes ang barko ng Philippine Red Cross para maghatid ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Rolly at Ulysses.
Ang M/V PRC Amazing Grace, ang kauna unahang humanitarian vessel sa bansa ng PRC na isa ringdisaster response ship, ay umalis dakong 11:30 ngumaga.
Lulan nito ang kitchen Sets, 10–wheeler na kargado ng non-food Items na hygiene kits, blankets, sleeping mats, mosquito nets, at jerry cans.
Ang 195-foot military prototype vessel ay may kakayahang magsakay ng 20 ambulansya at anim na truck na puno ng mga goods.
Pangungunahan ni PRC chairman Sen. Richard Gordon at PRC volunteers ang pamimigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.